Chapter Seven_Mrs. Alexis Montenegro---Hindi ko akalain na sa loob ng isang linggo, mula sa pagiging magsasaka ng kamatis na naliligo sa putik, magiging Mrs. Montenegro ako sa isang tunay na simbahan.Suot ko ang puting gown na nagkakahalaga ng P500,000. Sabi ng designer galing Paris pa. Pero hindi ako komportable. Sanay ako sa duster lang.Si Nanay nasa unahan, naka barong na bago, umiiyak sa tuwa. Si Lola naka wheelchair pero naka gown din na puti. At si Alexis, nasa altar, nakatayo, sobrang gwapo sa puting tuxedo. Hindi ko siya makilala. Parang prince.Lakad ako sa aisle, hawak ang bulaklak. Lahat ng bisita, bilyonaryo, artista, negosyante, nakatingin sa akin. May bulungan. "Sino yan? Buntis? Magsasaka?"Pero wala akong pakialam. Ang tinitignan ko lang si Alexis. Yung binging bilyonaryo na bumili sa akin sa halagang P100,000 pero ngayon binibigay ang buong mundo niya.Pagdating ko sa altar, kinuha niya ang kamay ko. Mainit.Father, ready na po. Sabi ni Lola.Nagsimula ang misa.
Last Updated : 2026-09-09 Read more