ELLE’S POVNakita ko na lamang ang sarili kong tumango bilang pagsang-ayon na ihatid niya ako sa apartment. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Siguro dahil gabi na at ayaw kong maglakad nang mag-isa. O baka dahil, sa kabila ng lahat, may kakaibang sense of security akong nararamdaman kapag kasama ko siya.“Good,” he said, a small smile forming on his lips.Tumayo na siya at kinuha ang susi ng sasakyan niya saka lumabas ng unit niya. Tahimik kaming naglalakad papunta sa elevator. Habang bumababa kami, hindi ko maiwasang mapansin ang aming repleksyon sa salamin ng elevator. Magkatabi kami, pero parang ang layo ng mundo namin sa isa't isa. Siya, confident, composed, at mukhang sanay makuha ang anumang gusto niya. Ako naman ay isang simpleng graduating student na pilit kinakalimutan ang isang gabing hindi ko dapat ginawa.Napabuntong-hininga ako. “Are you okay?” tanong niya.“Yeah.”“Are you sure?”Tumango ako. “I just want to forget everything that happened.”Bigla siyang natahimik. P
Last Updated : 2026-09-10 Read more