"O, tingnan niyo. Marami pang pagkain, huwag na kayong mag-away," nakangiti niyang wika. Tiningnan niya nang maigi ang dalawang bata na magkahawig ang mga mukha. "Magkapatid ba kayo?" "Opo... ate niya po ako," mahinang sagot ng batang babae habang pinapahid ang kaniyang luha. Bumuntong-hininga si Adeline at hinawakan ang mga balikat ng dalawa. "Alam niyo ba, napakasuwerte ninyong dalawa sa isa't isa dahil may kapatid kayo? Ang magkapatid, hindi dapat nag-aaway dahil sa isang hiwa ng karne. Dapat nagmamahalan at nagbibigayan kayo. Sa mundong ito, kapag nagkaproblema kayo, kayong magkapatid din ang magiging matalik na kakampi ng isa't isa." Nagkatinginan ang dalawang bata habang nakikinig. "Ako nga, gusto ko rin ng kapatid," pagpapatuloy ni Adeline habang may bahagyang lungkot sa kaniyang ngiti. "Pero wala akong kapatid. Mag-isa lang ako. Kaya kayo, huwag niyo nang uulitin 'yan, ha? Mag-share kayo nang maayos. Napakasuwerte n’yo sa isa’t isa dapat nagmamahalan kayo.” Natulala
Last Updated : 2026-08-02 Read more