Nanginig ang mga tuhod ni Adeline sa matinding gulat at pagkailang. Natatakot na baka makita siya ng dalawa, mabilis siyang patalikod na umabante nang hindi tumitingin sa kaniyang dinadaanan— PAK! Subalit bumangga ang mukha niya sa isang matigas, malapad, at parang pader na dibdib. Sa lakad ng kaniyang pagkabangga, bahagya pa siyang napaatras ngunit mabilis na hinawakan ng dalawang malalaking kamay ang kaniyang magkabilang balikat para hindi siya matumba. Nang dahan-dahan niyang iangat ang kaniyang tingin, sinalubong siya ng isang pares ng napakalalim at napakalamig na mga mata. Si Matthew. Nakatayo ito sa harap niya, nakasuot ng maitim na jacket, at mukhang kabalabalik lang mula sa kabilang bahagi ng kampo. "What are you doing out here at this time of the night?" malamig na boses ni Matthew, ngunit may halong panunuya ang tono. "Don't tell me naghahanap ka ng init ng katawan dahil wala si Marky rito?" Mabilis na napalitan ng inis ang gulat ni Adeline. "Ano?! Hindi ako ganoon,
Last Updated : 2026-08-02 Read more