"Do you need any assistance, Sir?" "No, thank you. I can manage," maikling tugon ni Matthew sa kaniyang baritonong boses, pormal at walang bakas ng kahit anong emosyon. So ganoon talaga ang ugali ni Matthew? Akala niya ay sa kaniya lang ito cold eh sa lahat pala ng tao. Tiningnan ni Adeline ang paligid, ang napakagandang interior design, ang matataas na crystal chandeliers, at ang grandiyosong signage sa likod ng reception desk kung saan nakaukit ang malalaking letra THE FRASER TOWER. Doon lamang tuluyang narealize ni Adeline ang katotohanan. Sa kaniya ang buong condominium na ito. Hindi lang ito basta umuupa siya kundi buong gusali ang pagmamay-ari ni Matthew? Mas lalong tumindi ang inis at panghihinayang ni Adeline habang nakatingin sa malapad na likod ng lalaki. Napakayaman, napakagwapo, pero napakasungit at napakacold! Nang makapasok sila sa loob ng private penthouse elevator, tahimik silang umakyat patungo sa top floor. Walang sinuman sa kanila ang nagsasalita, ngunit ang h
Last Updated : 2026-08-14 Read more