Maria Diane "Bom dia, Chefe D. Bem-vindo de volta," bati ng aking pinagkatiwalaan na tauhan, pagkababa na pagkababa ko pa lang ng eroplano dito sa Brazil.Humalik ang mainit at pamilyar na hangin ng Rio de Janeiro sa aking mukha. Sa wakas, nakatapak na ulit ako sa sarili kong teritoryo. Lumapit siya sa akin para kunin ang aking mga bagahe, habang ang dalawa pang armadong lalaki ay alertong nagmamasid sa paligid ng pribadong airstrip."Tudo pronto para a sua chegada. O carro já está esperando," dagdag niya, sabay turo sa itim na SUV na nakaparada hindi kalayuan sa amin. (Lahat ay handa na para sa iyong pagdating. Naghihintay na ang sasakyan.)Tango lang ang isinagot ko habang isinusuot ang aking sunglasses. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon na iniwan ko sa Pilipinas, ngunit dito sa Brazil, ako ang batas. May aayusin lang ako dito ng ilang araw.Pumasok ako sa loob ng sasakyan at agad na sumandal sa upuan, pilit na iniibsan ang pagod mula sa mahabang biyahe. Alam ng aking driver kung sa
Last Updated : 2026-10-15 Read more