JAVIER“MARAMING salamat, Javier. Hindi mo talaga pinapabayaan ang orphanage na ito. Napakalaking pera na ang binigay mo sa amin, lalo't sa mga batang naulila,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Sister Marie.Ngumiti naman ako. “Dito ako nanggaling, sister. Dito halos ako lumaki. Binalikan ko lang ang mga taong nag-alaga at nagmahal sa akin. Hangga’t may mga batang naulila at walang matitirhan, dito lang ako para tulungan sila.”Napaiyak lalo si Sister Marie. “Napakabuti mo, anak. Pagpalain ka lalo ng nasa taas. Araw-araw ko ipinagdadasal ang kaligtasan mo. Mahal na mahal ka namin.”Huminga naman ako ng malalim. Naalala ko ang mga batang kasamahan ko noon. Nasaan na kaya sila? Gusto ko man itanong kay sister, pero ayoko rin na nagmumukhang tsismoso ako.“Sister Marie, alis na po ako. Pakisabi na lang kay Father Roy na dumaan lang ako rito. Maybe next time, mag-bonding din kami.”“Salamat ulit, anak. Mag-ingat ka palagi. Huwag kalimutan magdasal.”Tumikhim muna ako. “Ahmm..saulado ko pa rin p
Última actualización : 2026-09-14 Leer más