KABANATA 76: The Desperate Move•RICO’S POV—PINATAKBO ko ang SUV nang mabilis sa gitna ng madilim at tahimik na kalsada patungo sa mansyon. Ang bawat segundo ay tila isang patalim na sumasaksak sa aking dibdib. Ang black leather folder sa passenger seat ay naglalaman ng mga Printed PDF medical affidavit, toxicology analysis, at ang eksaktong transcript ng recording nina Maya, Lola Isadora, Elena, at Atty. Ramos. Hawak ko na ang buong katotohanan.Alas-onse kuwarenta-singko na ng gabi nang mabilis kong ihinto ang kotse sa mismong paanan ng grand porch.Hindi na ako nag-atubili. Pabalibag kong isinarado ang pinto ng sasakyan at mabilis kong binagtas ang malaking hagdanan patungo sa ikalawang palapag. Nakahanda ang aking kamay sa holster ng aking Glock 17, pero ang totoong sandata ko ngayong gabi ay ang katotohanang nakatago sa folder na ito.Pumunta ako sa pinto ng study room ni Boss Baste. Hindi naka-lock ang pinto. Pinihit ko ang doorknob at marahas iyon na itinulak pabalik. Bumunga
Last Updated : 2026-10-27 Read more