•SEBASTIAN’S POV—Eksaktong alas-diyes ng gabi nang marinig ko ang tatlong mahihinang katok sa pinto. Pinihit ko ang doorknob at binuksan iyon. Nakatayo si Maya sa labas, nakasuot ng kanyang simpleng floral dress, nakatungo katulad ng dati, at hawak ang maliit niyang sling bag. Pero sa halip na sunggaban siya kaagad tulad ng ginagawa ko gabi-gabi, nanatili akong kalmado. "Pumasok ka," malamig kong utos.Pumasok siya sa loob. Matapos ay dahan-dahan kong isinarado at inilock ang pinto. Itinuro ko ang malaking leather sofa sa gitna ng silid at inutusan na maupo."Sit down, Maya," wika ko sa mababang boses habang pumupunta ako sa maliit na bar counter para magbuhos ng whiskey sa aking baso.Bahagyang nagtaka si Maya sa aking inasal, pero dahan-dahan pa rin siyang umupo sa gilid ng sofa. Kinuha ko ang aking baso at lumakad ako patungo sa kinaroroonan niya. Umupo ako sa kanyang tabi, dahilan para bahagya siyang mapaatras.Uminom ako ng isang lagok bago ibinaba ang baso sa maliit na mesa s
最終更新日 : 2026-09-27 続きを読む