Ang pinakamalaking kinakatakutan ni Donya Marcelina ay ang posibilidad na sa huli, kay Althea mapunta ang lahat ng ari-arian, yaman, at pamana ng buong pamilya Bautista.Sapagkat ang tunay nitong anak na si Axl—sa labis na pagpapala, pambubulag, at pagpapalayaw ng ina—ay lumaking isang walang silbing bulakbol, tamad, at walang ibang alam kundi ang gumastos. Gumastos si Marcelina ng milyun-milyong piso mula sa kaban ng pamilya para ipadala ito sa ibang bansa upang mag-aral ng negosyo, sa walang kapagurang pag-asang babalik ito isang araw bilang isang marangal at matagumpay na tagapagmana. Ngunit wala ring nangyari dahil puro pagwawaldas at pagpapasarap lamang ang inatupag ng kaniyang paboritong anak.Alam na alam ni Althea ang inggit, galit, at baliw na pag-iisip ng kaniyang ina. Kaya naman magmula noong bata pa siya, pilit niyang itinago ang kaniyang angking talino at galing sa lahat ng bagay. Kahit pa siya ang pinakamagaling sa klase, kahit nakakakuha siya ng matataas na parangal sa
Última atualização : 2026-09-20 Ler mais