Share

Chapter 17

Author: Senyorita
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-01 16:03:11

Walang pakialam si Richard kung nasa gitna sila ng isang pampublikong parking lot. Wala siyang pakialam kung may mangilan-ngilang camera flashes mula sa mga paparazzi na nakasunod sa kanila mula sa hotel. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ngayon ay ang babaeng humihikbi sa kanyang dibdib, ang babaeng pilit na kumakawala sa kanyang mga bisig dahil sa isang malaking maling akala.

"B-Bitawan mo ako..." mahina at garalgal na utos ni Queenie, tuluyan nang nanghina ang kanyang mga tuhod. Kung hindi
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 40

    Tahimik na binabagtas ng itim na sasakyan nila ang mga kalsada ng siyudad sa ilalim ng madilim na gabi. Mahigpit ang hawak ni Richard Mondragon sa manibela, ngunit ang buong atensyon niya ay wala sa kalsada, kundi sa babaeng nakaupo sa passenger seat.Nakatitig si Richard kay Queenie. Suot ng kanyang asawa ang isang simpleng puting silk dress na umaabot hanggang tuhod, ang buhok nito ay malayang nakalugay at hinahawi ng malamig na hangin mula sa bintana ng sasakyan. Isang kalmado at matamis na ngiti ang nakapaskil sa mga labi ng dalaga.Pinagmasdan ni Richard ang bawat detalye ng mukha ni Queenie. Limang taon na ang nakalipas mula nang una niyang makita ang babaeng ito. Noong panahong iyon, isa lamang siyang malamig, walang-awa, at aroganteng bilyonaryo na sanay bilhin at kontrolin ang lahat ng bagay. Ginamit niya ang kapangyarihan niya para ikulong si Queenie sa isang kasunduan. Akala niya, siya ang naglalaro. Akala niya, siya ang nagmamanipula.Ngunit ang totoo, mula sa unang gabi n

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 39

    Para kay Richard Mondragon, ang pinakamagandang oras ng bawat araw ay ang mga sandaling hindi pa tuluyang sumisikat ang araw. Sa mga oras na ito, bago magsimulang umikot ang magulo at maingay na mundo ng negosyo, hawak niya ang tanging reyalidad na may halaga sa kanya.Nakatukod ang isang siko ni Richard sa malambot na unan, ang matipuno at hubad nitong dibdib ay bahagyang umaangat at bumababa sa isang kalmadong ritmo. Hindi na siya madalas dalawin ng insomnia tulad noong mga panahong nagtatago pa siya sa likod ng silver mask sa L'Éden. Hindi na niya kailangan ng alak o ng mga artipisyal na pampatulog, dahil ang mismong kapayapaan niya ay natutulog ngayon sa kanyang tabi.Tahimik na pinagmasdan ni Richard ang mukha ng kanyang asawa. Ang mahaba at itim na buhok ni Queenie ay nakakalat sa puting unan. Ang mahahaba nitong pilikmata ay nakapikit nang mariin, at ang manipis na puting kumot ay nakabalot lamang sa ibabang bahagi ng katawan nito, inilalantad ang makinis nitong likuran.Itinaa

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 38

    Isang tahimik at maaliwalas na Sabado ng hapon ang bumalot sa buong mansyon. Sa unang pagkakataon ay naiwan silang dalawa ni Richard. Kinuha kasi ng mga parents ni Richard sina Lucas at Aria upang ipasyal ang mga ito sa Europe ng isang buong linggo. Isang bihirang pagkakataon para sa mag-asawa na magkaroon ng sarili nilang oras, isang munting "honeymoon" sa loob ng sarili nilang tahanan.Nakatayo si Queenie sa gitna ng malawak na ibrary ng kanilang mansyon. Ang amoy ng lumang papel at kape ay nagbibigay ng nakakapanatag na pakiramdam. May hinahanap sana siyang libro na matagal na niyang gustong basahin, ngunit nang buksan niya ang isa sa mga antique na drawer sa gilid ng mahogany desk ni Richard, isang pamilyar na itim na folder ang nakakuha ng kanyang atensyon.Dahan-dahan itong kinuha ni Queenie. Pamilyar ang bigat nito. Pamilyar ang texture. Nang buksan niya ang folder, bumungad sa kanya ang isang dokumentong limang taon na ang nakakalipas mula nang huli niya itong makita.Ang kani

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 37

    Ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas ng malawak na bintana ng kanilang mansyon ay lumilikha ng isang nakakarelax at malamig na musika sa buong kwarto. Paborito ni Queenie ang ganitong mga gabi. Habang ang buong mundo sa labas ay binabagyo at madilim, ang loob ng kanilang tahanan ay nananatiling mainit, tahimik, at punong-puno ng kapayapaan.Nakatayo si Queenie sa harap ng floor-to-ceiling glass window, hawak ang isang mainit na mug ng chamomile tea. Suot niya ang isa sa mga malalaking puting button-down shirts ni Richard na umaabot hanggang sa kalagitnaan ng kanyang mga hita. Mahaba at maluwag ang manggas nito, at ang pamilyar na amoy ng mint at musky wood na nakakapit sa tela ay sapat na para yakapin ang kanyang buong sistema ng matinding siguridad.Tapos na ang isang mahabang linggo. Tahimik na ang mga kumpanya, at mahimbing nang natutulog sina Lucas at Aria sa kabilang kwarto matapos silang pagkwentuhan ng asawa niya hanggang sa makatulog ang mga ito.Isang pamilyar na init ang

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 36

    Ang amoy ng bagong lutong pancakes, tinunaw na butter, at sariwang kape ang unang sumalubong sa pang-amoyni Queenie nang dahan-dahan siyang magmulat ng mga mata.Kumunot ang kanyang noo at kinapa ang kabilang gilid ng kanilang king-sized bed.Gaya ng inaasahan, malamig na iyon at maayos nang nakatupi ang kumot. Napangiti siya. Kahit na Sabado ngayon at pareho silang walang trabaho, mukhang mas maaga pa ring nagising ang kanyang asawa upang maghanda ng surpresa.Bumangon si Queenie, isinuot ang kanyang paboritong puting silk robe, at itinali ang kanyang mahabang buhok sa isang magulong bun. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng master bedroom at bumaba sa grand staircase ng kanilang mansyon. Habang papalapit siya sa malawak na kusina, mas lalong luminaw ang mga pamilyar at masisiglang boses na nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.Huminto si Queenie sa hamba ng pinto at tahimik na pinagmasdan ang nakakatuwang eksena sa kanyang harapan.Nakatayo si Richard sa harap ng marble kitchen i

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 35

    Tulog na ang buong mansyon nang dahan-dahang isara ni Queenie ang pinto ng kwarto nina Lucas at Aria. Nakahinga siya nang maluwag nang masigurong mahimbing na ang tulog ng dalawang bata matapos ang isang mahabang araw ng paglalaro.Habang naglalakad siya pabalik sa master bedroom, napansin niyang kakaiba ang katahimikan ng paligid. Kadalasan, sa ganitong oras, naririnig niya ang mahinang pag-type ni Richard sa laptop nito sa loob ng study room o kaya nama'y naghihintay na ito sa kama nila. Ngunit nang buksan niya ang pinto ng kanilang kwarto, madilim at walang tao roon.Kumunot ang noo ni Queenie. Binuksan niya ang dim light sa gilid ng kama at doon niya napansin ang isang bagay na nakapatong sa ibabaw ng unan ng asawa. Isa itong perpektong puting rosas, at sa ilalim nito ay may isang maliit na itim na sobre.Nakangiting lumapit si Queenie. Kinuha niya ang sobre at binuksan iyon. Nakasulat sa pamilyar at matapang na handwriting ni Richard ang isang maikling mensahe:Meet me in the cou

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status