Ang Proposal Sa PosoUmaga. Alas-kwatro. Wala pang manok na tumitilaok, pero gising na si Anton.Naramdaman ko na wala na siya sa banig. Sanay na ako. Lagi siyang nawawala pag madaling araw, tapos babalik na may dalang pandesal o kape o bulaklak ng palay.Pero ngayon, iba. May naririnig akong kaluskos sa baba, sa may poso.Bumangon ako, naka-daster lang na bulaklak, buhok na magulo pa, at sumilip sa bintanang pawid.Si Anton, nasa poso. Naka-hubad pang-taas, naka-shorts lang, nagbabanlaw ng paa. Pero may hawak siyang maliit na kahon na pula. Yung kahon na parang lalagyan ng singsing na nabibili sa palengke, hindi sa Cartier.At kasama niya si Lolo Ricardo, si Mama, si Manang Pining, si Aling Nena, si Kuya Boy, si Ka Pilo, at lahat ng tao sa hacienda pati mga bata — lahat nakapila sa likod ng poso, tahimik na tahimik, parang may misa sa madaling araw.Bumaba ako, naka-tsinelas, dala yung lamig ng umaga."Anong meron?" tanong ko, inaantok pa.Pagkakita sa akin, nagkagulo sila. Si Lolo,
Última actualización : 2026-09-21 Leer más