Ang Gabi Pagkatapos Ng HalikHindi ako makatulog.Alas-diyes na ng gabi pero gising pa rin ako, nakatitig sa bubong na pawid ng kwarto namin na may siwang na kita ang bituin. Katabi ko si Anton sa banig, may isang dangkal na pagitan ulit — yung Great Wall of China na guhit ng banig na ibinalik namin pagkatapos ng fiesta.Pero iba na yung hangin sa loob ng kulambo.Kanina, hinalikan niya ako sa labi. Sa harap ng buong baryo. Hindi smack na peke, hindi daplis. Halik na tumagal ng limang segundo na parang limang oras sa utak ko.At ngayon, parang walang nangyari. Pagkatapos ng fiesta, kumain kami, naghugas ng pinggan, umakyat dito sa kwarto, at parang walang halik na nangyari."Elise, tulog ka na?" tanong niya, nakatalikod sa akin."Hindi pa," sagot ko, nakatalikod din sa kanya.Tahimik. Naririnig ko lang yung kuliglig at yung mahinang hilik ni Lolo sa kabilang kwarto."About kanina," simula niya."About saan?" kunwari hindi ko alam."Yung sa plaza. Yung...""Yung halik mo?""Oo.""Okay
Última actualización : 2026-09-21 Leer más