Isang malaking pagkakamali ang uminom ng tatlong sunod-sunod na shot ng tequila. Lalo na kung hindi ka naman sanay sa matapang na alak. Pero para kay Sienna Navarro, deserve niya ang bawat patak nito ngayong gabi. Pagkatapos ng anim na buwang nakakapagod na pagpasa ng resume, kaliwa’t kanang rejection emails, at nakaka-drain na interviews, natanggap din siya sa wakas. At hindi lang sa kung saan-saang kumpanya, bilang bagong Marketing Executive sa isa sa pinakamalaki at pinakaprestihiyosong real estate empire sa buong Asya, ang Valeriano Group of Companies. Kaya naman heto siya ngayon sa The Velvet Lounge, isang high-end at exclusive VIP club sa BGC. Naiwan na siya ng kaibigan niyang si Mara na kasalukuyang nakikipaglandian sa isang foreigner sa dance floor. Habang dumadagundong ang malakas na bass ng kanta sa loob ng club at naghahalo-halo ang mga kulay ng lights, napahilot si Sienna sa kanyang sentido. Pakiramdam niya ay unti-unti nang umiikot ang paligid. "Bartender, one more te
Last Updated : 2026-09-21 Read more