DON ARTHUR’S POVNang makatulog na si Shasha sa master bedroom matapos ang mahabang pag-iyak at pag-uusap namin, nanatili akong gising sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang banayad na pagtaas-baba ng kaniyang dibdib.Alam kong mabigat para sa kaniya ang tanggapin ang katotohanang ito sa loob lamang ng isang gabi. Buong buhay niya, inakala niyang isa siyang ordinaryong anak ng magsasaka na kailangang magbanat ng buto para mabuhay. Ngayon, bigla niyang nalaman na siya ang nag-iisang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking banking empires sa Pilipinas.Dahan-dahan akong bumangon, isinuot ang aking robe, at bumalik sa study room. Pagsapit ng ala-una ng madaling araw, alam kong gising na rin ang mga tauhan ko na inatasan kong magbantay sa bawat galaw ng pamilya Montemayor mula nang lumabas kami sa Manila Peninsula.Hinugot ko ang telepono ko at dinial ang numero ni Gino. Sa unang ring pa lang, sumagot na siya."Don Arthur.""Report," malamig kong utos habang nakatayo sa harap ng bintana, naka
Huling Na-update : 2026-11-25 Magbasa pa