SHASHA’S POVNang bitawan ko ang mga salitang iyon, naramdaman ko ang marahas na pagtagis ng panga ni Don Arthur. Ang dating berdeng mga mata na puno ng awtoridad ay tila nabalot ng pinaghalong gulat, kirot, at labis na pagkabigo.Nananatili akong nakatayo nang tuwid, ngunit sa ilalim ng suot kong apron, nanginginig ang aking mga daliri. Gusto kong sumuko. Gusto kong bawiin ang bawat matalim na salitang binitiwan ko nang makita ko ang pamumutla sa gilid ng kaniyang mga labi.Pero hindi ko ginawa.Kailangan kong ipaalala sa kaniya na may puso rin ako. Hindi ako isang manika na yayakapin at sasambahin kapag madilim ang paligid at kaming dalawa lang, tapos itatapon at hiyain sa harap ng kaniyang pamilya sa sandaling sumikat ang araw."Hindi iyon ang ibig kong sabihin kanina sa garden, Shasha," basag niya sa katahimikan, mababa at paos ang boses habang dahan-dahang humahakbang muli palapit. "You know why I did that. Julianna was watching from the terrace. Lucas is observant. Ginagawa ko '
Last Updated : 2026-11-02 Read more