DON ARTHUR’S POVAlas-tres ng hapon.Nasa airport tarmac ako, nakatayo sa tabi ng itim na Mercedes-Benz habang hinihintay ang pagbaba ng mga pasahero mula sa pribadong chartered flight na lumapag ilang minuto lang ang nakalipas.Kahit tirik ang araw, malamig ang pakiramdam ko. Nakasuot ako ng dark grey tailored suit, nakapamulsa ang isang kamay, habang pilit kong inihahanda ang sarili sa pakikipagtuos na alam kong hindi maiiwasan.Bumukas ang pinto ng eroplano.Unang bumaba ang isang binatang may matangkad na pangangatawan, kulot ang itim na buhok, at may suot na mamahaling leather jacket. Si Vincent, dalawampu't tatlong taong gulang, ang panganay ko. Kasunod niya si Lucas, dalawampu't isang taong gulang—mas tahimik, may suot na salamin at nakasuot ng simpleng trench coat.At sa likod nila, dahan-dahang lumabas ang isang babaeng nakasuot ng cream Chanel dress, nakasuot ng malaking sunglasses, at may tindig ng isang reynang handang sumakop ng teritoryo.Si Julianna."Dad!" masiglang ta
Huling Na-update : 2026-10-30 Magbasa pa