SHASHA’S POVMag-aalas-kwatro na ng hapon nang matapos ang huli naming klase sa Principles of Marketing. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa bag, ramdam ko pa rin 'yong bigat sa dibdib ko—hindi na dahil sa hiya mula sa nangyari kahapon, kundi dahil sa kakaibang kaba na kanina pa hindi nawawala mula nang pumasok ako sa campus."Hey, Shasha," tawag ni Liam habang isinusukbit ang backpack niya sa isang balikat. "Nakapag-message na ako sa group chat natin. I-upload ko mamayang gabi 'yong initial financial projection para ma-review mo before Friday. May sundo ka na ba sa labas?"Sumulyap ako sa bintana ng Room 402 kung saan tanaw ang main driveway ng Business Administration building. Wala pa ang itim na Maybach ni Don Arthur. Karaniwan, fifteen minutes before four, nakaparada na ang sasakyan niya roon."Wala pa eh, pero baka na-traffic lang sa Makati," sagot ko sabay tipid na ngiti kay Liam. "Salamat ulit sa tulong mo kanina sa outline, Liam. Kung wala ka, baka nalunod na ako sa mga form
Last Updated : 2026-11-18 Read more