“MAY ipon ka na, ‘Teh?” tanong sa kaniya ni Julia.Nangunot naman ang noo niya. “Ipon para saan?” tanong niya rito pabalik.“Sa lupa. Narinig ko nag-uusap sina mama at papa noong nakaraang gabi. Naniningil na raw si Tita,” sabi nito. Napatango-tango naman si Eca.“Wala pa. Kaunti pa lang. Alam mo namang marami akong binayaran na utang saka ‘yong tuition din ni Jana,” sagot niya rito. “Baka sa December pa ako makapagbigay,” dagdag niya pa. “Hati tayo. Two hundred fifty thousand ‘yong sanla nina mama sa lupa. Sabi raw may tira pa 'yon kay tita. Mga nasa twenty thousand pa raw. Kaya ‘yong naibigay kina mama nasa mahigit two hundred twenty thousand lang,” sabi ng kapatid.“Huwag na nilang kunin ‘yong tira. Ang hirap maghanap ng pera,” sambit ni Eca. Nai-stress na kasi siya sa bayarin. Hindi niya alam kung saan kukuha.Marami siyang naging trabaho para lang kumita. Dahil maraming bayarin. Bukod doon ay naging tanga rin siya sa pag-ib
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-14 อ่านเพิ่มเติม