Hanna's POVDumating din ang araw na iyon ang araw na luluwas na kami ni Kuya Rolly papuntang Maynila.Hindi ako makatulog nang maayos kagabi. Buong gabi akong niyakap si Nanay Wilma, parang ayaw kong bumitaw. Ngayong umaga, nakatayo ako sa harap ng maliit na salamin sa kubo, nakatitig sa sarili ko. Parang gusto kong umiyak pero pinipigilan ko."Kaya mo 'yan, Hanna," bulong ko sa sarili. Pero kahit sarili ko, hindi ko mapaniwalaan."Kumalma ka lang. Nandito ako," sabi ni Kuya Rolly habang inaayos ang aming mga gamit. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala, pero pinilit niyang ngumiti para sa akin.Tumango ako, kahit nanginginig na ang mga tuhod ko. Ang byahe ay impiyerno para sa akin.Sa unang sampung minuto pa lang sa loob ng bus, parang sumasakit na ang sikmura ko. Napapapikit ako sa bawat liko, sa bawat busina, sa bawat pag-overtake ng ibang sasakyan. Parang may kung anong multo sa likod ng isip ko na sumisigaw na may masamang mangyayari."Kuya..." mahinang bulong ko habang mah
Last Updated : 2026-11-16 Read more