BELLA POV.. Isang maulan na gabi sa probinsya, Bitbit ko ang isang lumang bayong na puno ng damit, ilang larawan ng pamilya, at lahat ng pangarap ko. Basang-basa na ang suot kong damit, pero mas malalim ang lamig na nararamdaman ko sa dibdib.Nagpaalam ako sa mga kapatid at magulang ko kanina. Yakap-yakap ko sila nang mahigpit, parang ayokong bitawan ang init ng bahay namin na gawa sa nipa at kawayan.Babalik ako pag may pera na ako. Ipapagawa ko ang bahay natin... bibili tayo ng lupa. Mag-aaral pa si Junior. Huwag kayong mag-alala," pangako ko sa kanila habang tumutulo ang luha ko na nakikihalo sa ulan. Ngumiti sila nang puno ng pag-asa. Si Ate Teresa, ang matagal nang "mabait" na recruiter sa baryo ang sumundo sa akin. Malawak ang ngiti niya, maamo ang mukha, parang tunay na anghel na ipinadala ng Diyos para tulungan kami."Sa Maynila, maraming oportunidad para sa katulad mo, Bella. Nakapag-high school ka pa. Perfect ka sa supermarket o grocery. Malinis ang trabaho, may overtime p
Huling Na-update : 2026-10-04 Magbasa pa