Maingat na dinampot ni Georgina ang baso at dahan-dahang sumimsim ng alak. Hinayaan niyang manatili sandali sa kanyang dila ang lasa nito na para bang ninanamnam ang bawat patak. Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon, ni katiting na pag-aalinlangan ay walang makikita sa kanyang mukha.“See? Nothing happened,” she remarked casually as she lowered the glass, acting as if there was nothing unusual about the situation.Hindi man lang kumurap si Hector. Nanatiling nakatuon sa kanya ang malamig at mapanuring tingin nito.“Kung gano'n, ubusin mo.” His words carried a heavier meaning this time.Saglit na natigilan si Georgina. Halos hindi 'yon mapapansin ng sinumang hindi mapagmasid. Gayunpaman, bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa baso, dahilan para dumikit nang madiin sa kanyang balat ang malamig na kristal. For a brief moment, her breathing faltered, betraying the fear she was desperately trying to conceal. Pagkaraan ay ngumiti siya, matalim at kontrolado ang kanyang ekspresyon.“Fin
Last Updated : 2026-11-17 Read more