Bumaba si Elena sa hagdan habang inaayos ang suot na robe. Natanaw niyang nakaupo sa sofa si Nicole. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, napairap siya bago umiwas ng tingin. Agad na tumayo ang babae at lumapit sa kanya.“I'm serious sorry,” sabi nito sa malambot na na tono. “Hayaan mo na lang akong bumawi sa'yo. We could… have fun.”Huminto si Elena at tamad itong tinignan.“Fun with you?” she scoffed. “Mas gugustuhin ko pang manatili sa mansyon kaysa makasama ka.”Tinangka niyang lampasan si Nicole, ngunit hinawakan nito ang kanyang pulsuhan.“Come on,” pangungumbinsi nito.Elena let out an exasperated sigh and ran her free hand through her hair.“Ano bang gusto mo?”“Just girl-to-girl time,” nakangiting sagot ni Nicole. “Nothing serious.”Pinagmasdan ni Elena ang mukha ni Nicole, sinusubukang alamin kung anong binabalak nito. Hindi naman dating gano'n kadaling humingi ng tawad ang babae, kaya kahina-hinala para sa kanya ang biglaang pagiging mabait nito.“Tonight,” dagdag ni Nicole
Last Updated : 2026-11-27 Read more