Nabitawan ko ang sulat. Nanlamig ang buong katawan ko."Buhay si Carlo?" halos pabulong kong tanong.Tumango si Mama Delia, nanginginig. "Hindi ako sigurado, Alana. Pero kahapon sa Quezon City, sa harap mismo ng Good Samaritan Hospital, may nakita akong lalaki. Puti ang buhok niya sa gilid, may peklat dito," sabay turo niya sa may kilay. "Katulad na katulad ni Carlo. At kasama niya... may kasama siyang babae. Buntis."Parang sinaksak ang dibdib ko.Buntis.Habang ako, tatlong taon kong binuhat mag-isa ang anak namin. Habang ako, nagtinda ako sa palengke, naglaba, namasukan bilang kasambahay para lang may gatas si Amara.At siya, may ibang babaeng binuntis?"Hindi," bulong ko. "Hindi totoo. Namatay si Carlo. Nakita ko yung death certificate.""Alana, yung USB. Buksan mo yung USB na nasa kahon. Nandoon daw lahat sabi ng investigator na kausap ni Carlo bago siya nawala."Dali-dali kong kinuha ang laptop ko sa kotse. Pumasok kami sa loob ng sira-sira nang bahay. Yung bahay na dati sobrang
آخر تحديث : 2026-10-08 اقرأ المزيد