Elena's POV Kinaumagahan, hindi pa rin ako mapakali. Gusto ko sanang ipagpatuloy ang mga tanong ko kay Adrian, ngunit pinipigilan ko ang aking sarili. Pakiramdam ko, sa bawat tanong na ibinabato ko sa kanya, lalo lamang akong nalalayo sa katotohanang matagal ko nang gustong malaman.Maaga namang bumangon si Adrian, gaya ng nakasanayan niya. Habang naghahanda ako sa aming silid, narinig ko ang pag-uusap nila ni Lucas tungkol sa nalalapit na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa paaralan nito.“Daddy, sasama ka ba kay Mommy sa araw ng programa namin sa school?” tanong ni Lucas.“Depende, anak. Kung wala akong mahalagang lakad sa araw na iyon, siyempre, sasama ako,” sagot ni Adrian.“Promise, Daddy? Gusto ko po kasing magkasama tayo ni Mommy habang nagpe-perform ako.”“Gagawin ni Daddy ang lahat para makapunta, anak.”Napangiti ako habang pinakikinggan ang kanilang pag-uusap. Hindi ko alam kung bakit, ngunit sa tuwing nakikita kong masaya si Lucas, tila may kung anong gumagaan sa dibdib ko.H
Last Updated : 2026-10-24 Read more