Elena's POVBagong umaga, bagong pagsubok na naman sa trabaho.“Dalawampu’t apat na ako pero hindi ko pa naranasan magkaroon ng relasyon. Hay, buhay nga naman.”My God! Late na yata ako!Mabilis akong kumilos para maghanda at maligo para makapasok na sa trabaho. Masyadong istrikto ang boss ko at bawal ang late sa kanyang kompanya.Kakarating ko pa lang nang biglang lumapit sa akin ang aking katrabaho at sinabi niyang pinatatawag daw ako ng boss namin. Dali-dali kong inayos ang mga dala kong gamit sa table upang pumunta muna sa boss ko.Habang nasa elevator, hindi ko maitago ang kaba ko. Bakit nga ba ako pinatawag ng boss ko nang ganito kaaga? My God! Anong dahilan? May nagawa ba akong mali sa trabaho ko?Hindi ko mapigilan ang kaba ko, na para bang gusto ko nang bumalik sa aking opisina.Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad sa akin ang seryosong mukha ng aking boss.Si Sir Adrian Monteverde, isang CEO at tagapagmana ng Monteverde Group Company. Isang sikat at kilalang kompanya na may m
Last Updated : 2026-10-08 Read more