“Huwag kang umalis diyan, Joy... stay right where you are,” nanginginig at napaos na boses ni Javier mula sa kabilang linya, halatang nagmamadaling kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan habang maririnig ang mabilis niyang mga hakbang at ang tunog ng pagkabukas ng p***o ng kaniyang sasakyan. “Pupuntahan kita ngayon din. I don’t care about the heavy traffic, the rain, or how many hours it takes to get there. Just promise me you won’t disappear on me again, my love. Pakiusap, 'wag ka nang aalis.”“Nandito lang ako, Javier. Maghihintay ako sa 'yo,” mahinahon kong sagot habang dahan-dahang napapangiti sa gitna ng aking mga luha, nadarama ang matinding pag-aalala, pananabik, at labis na pagmamahal sa kaniyang boses na bawat letra ay nagpapatalog sa akin.Ibinaba ko ang telepono at muling tumingin kay Bea na nakatayo sa aking harap sa ilalim ng malaking puno ng mangga. May simpleng ngiti at patak ng luha sa kaniyang mga mata habang dahan-dahan siyang tumatango sa akin, isang senyales ng buong
Last Updated : 2026-10-16 Read more