Share

Tempted by My Friend’s Younger Brother
Tempted by My Friend’s Younger Brother
Author: Aria

Chapter 5

Author: Aria
last update publish date: 2026-10-09 20:04:44

Ang amoy ng masarap na Italian food sa loob ng Maybach ni Javier ay dahan-dahang napalitan ng malamig na hangin ng aircon sa aming opisina. Pagkababa ko mula sa kaniyang sasakyan habang may simpleng halik pa rin sa aking noo, para akong lumulutang sa ulap habang naglalakad pabalik sa aking desk. Floating on cloud nine, 'ika nga ng mga teenager sa W*****d.

Pero mabilis ding naglaho ang magandang panaginip nang makatapak ako sa mismong office floor. Napakabigat ng atmosphere at halatang may masamang nangyayari.

“Joy! Thank God nakabalik ka na!” bulong sa akin ni Carla, ang junior associate ko, habang mabilis siyang lumalapit sa akin. Spooked ang mukha niya habang nakatitig sa glass doors ng silid ng aming boss.

“Bakit, Carla? Anong nangyari nung wala ako?” tanong ko habang inilalapag ang aking bag at ang bitbit kong lunch box mula kay Javier.

“Nandiyan si Sir Marcus at si Brenda. Kanina ka pa nila hinahanap,” kaba nitong sagot. “Tiningnan nila 'yung mga hawak mong accounts. Parang may balak silang agawin at ilipat 'yung pinakamalaking client mo kay Brenda!”

Agad na uminit ang aking ulo. Si Brenda ay mas bata sa akin ng limang taon—ang tipikal na 'kontrabida' sa opisina. Paborito siya ng higher-ups hindi dahil sa kaniyang galing, kundi dahil ang ama niya ay isa sa mga stockholders ng kumpanya. Sa nakalipas na dalawang taon, dalawang beses na niyang ninakaw ang credit para sa mga pinaghirapan kong proyekto. At ngayon, habang pagod na pagod ako at walang kalaban-laban, gusto pa nilang kuhanin ang pinakahuling luxury retail account na pinagpuyatan ko sa loob ng tatlong buwan.

Bago pa ako makasagot kay Carla, bumukas ang p***o. Lumabas si Sir Marcus kasama si Brenda na nakangisi habang nakahawak sa isang folder.

“Joy, good to see you're back,” seryosong sabi ni Sir Marcus habang nakapamewang. “Kailangan nating pag-usapan ang bagong pitch para sa Valderrama Holdings.”

Napatigil ako. Valderrama Holdings?

“Sir, raw proposal pa lang po 'yon at ako ang nag-lead sa pitch deck—”

“Nagdesisyon kami na ibigay na lang kay Brenda ang account,” malamig na sabi ni Sir Marcus. “Ang Valderrama group ay may bagong CEO ngayon, si Javier Valderrama. Mas bata siya, mabilis kumilos, at napaka-particular sa image. Tingin namin mas bagay ang energy ni Brenda para makipag-usap sa isang billionaire CEO na katulad niya.”

Natawa ako nang pilit, habang sumisikip ang aking dibdib sa galit. “With all due respect, Sir Marcus, ilang buwan kong pinag-aralan ang Valderrama Holdings. Kabisado ko ang brand value nila at handa na ang mga plano ko para sa pitch meeting next week. Bakit kailangang ibigay kay Brenda?”

“Joy, be realistic naman,” singit ni Brenda habang nagpapakatipikal na ngiting-aso. “Halata namang pagod na pagod ka na nitong mga nakaraang araw. At thirty-five, baka mas magandang maghawak ka na lang ng lighter accounts? Mas mabuting ipaubaya mo na ang high-stakes client meetings sa mga mas batang executives na kayang sumabay sa energy ng isang billionaire.”

Ang kaniyang mga salita tungkol sa aking edad ay mabilis na humiwa sa aking pride. Matanda na raw ako? Hindi na nababagay sa malalaking proyekto?

Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihing “Ang sinasabi mong billionaire CEO na hindi ko raw kayang sabayan ay kakasubo lang sa akin ng tanghalian at hinalikan ako sa noo kaninang tanghali!” Pero siyempre, wala akong maipagmamalaking ganoon. Kapag sinabi ko ang personal connection ko kay Javier, lalabas lang akong kawawa, desperada, at unprofessional.

“Sir, hindi po ito fair,” dahan-dahan kong sabi habang nagpapakatatag. “Ipagkatiwala niyo sa akin ang pitch meeting na ito. Kapag ayaw ng Valderrama team sa ipapakita kong presentation, tsaka niyo ibigay ang account kay Brenda.”

Tiningnan ako ni Sir Marcus na tila ba nairita sa aking pagsuway. “Sige. Hanggang Friday lang ang ibibigay kong oras sa 'yo. Pero kapag hindi mo napahanga si CEO Valderrama, ako mismo ang magtatanggal sa 'yo sa department na ito. Clear?”

“Clear, Sir,” tipid kong sagot.

Nang pumasok si Sir Marcus pabalik sa kaniyang office at naglakad si Brenda palayo nang nakataas ang noo, napaupo ako sa aking upuan. Nanginginig ang aking mga kamay. Galit, pagod, at frustration ang sabay-sabay kong naramdaman.

Eto na naman ako. Fighting for crumbs sa isang lugar kung saan walang halaga ang hard work kumpara sa kabataan, connections, at kapangyarihan.

Kinuha ko ang aking phone mula sa bag. May tatlong bagong messages doon mula sa aking ina sa group chat.

      Joy, tumawag ang Tita Marites mo. Ang anak niyang si Karen, nakabili na ng pangalawang kotse. Kailan mo ba balak tulungan ang kapatid mong si Carlo para sa tuition niya? Sabi mo promotion month ngayon?

 Saka nag-message 'yung ex-boyfriend mong si Richard. Sabi niya galit ka pa rin daw. Joy, magpakumbaba ka na. Sa edad mong 'yan, mahirap nang makahanap ng katulad ni Richard na may stable job.

Napatitig ako sa screen. Nangilid ang aking mga luha. Walang nagtanong kung okay lang ba ako. Walang nag-alala kung nahihirapan na ba ako. Para sa pamilya ko, isa lang akong paycheck at isang disappointment dahil wala pa akong asawa at thirty-five. Para naman sa kumpanya ko, isa na lang akong lumang employee na madaling palitan ng mas bata.

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay at tahimik na humagulgol sa madilim na sulok ng aking cubicle.

Dumating ang alas-siyete ng gabi.

Bumubuhos na naman ang malakas na ulan sa BGC. Parang tinatawanan ng langit ang aking kalagayan. Ayaw kong umuwi sa aking apartment dahil alam kong kukulitin lang ako ni Mama sa telepono. Ayaw ko ring magpadala sa lungkot, kaya nagpasiya akong mag-overtime para tapusin ang Valderrama pitch deck.

Nang patayin na ang karamihan sa ilaw ng opisina at ako na lang ang natitira, nag-vibrate ang aking phone at may mensahi galing kay Javier.

         I’m downstairs. Naghihintay ang driver para dalhin ka sa restaurant.

Napa-buntong hininga ako. Pinalitan ko ang aking panyo at pinunas ang aking mga mata na halatang galing sa iyak. Mabilis akong nag-touch up ng mukha bago inilagay ang aking laptop sa bag.

Nang makababa ako sa lobby, nakaparada na ang Maybach sa harap. Agad akong pinagbuksan ng p***o ng kaniyang driver habang may hawak na payong.

“Magandang gabi po, Ma'am Joy. Naghihintay na po si Sir Javier sa private dining lounge sa Makati,” magalang na sabi ng driver.

“Salamat,” bulong ko habang pumapasok sa loob.

Ang biyahe patungo sa restaurant ay mabilis lang sa kabila ng ulan. Inakay ako ng driver papunta sa isang private dining area sa pinakataas na floor na nakatapat sa kumikislap na skyline ng lungsod. Walang ibang tao sa buong venue—Javier reserved the entire place just for us. Ang tindi talaga ng perks kapag billionaire ang nag-aaya sa 'yo!

Sa dulo ng malaking glass window ay nakaupo si Javier.

Nakalabas ang kaniyang bisig dahil nakatupi ang kaniyang white dress shirt. Umiinom siya ng whisky habang nakatitig sa ulan sa labas. He looked like an absolute male lead straight out of a W*****d story—intimidating, wealthy, and breathtakingly attractive.

Nang marinig niya ang tunog ng aking heels, mabilis siyang lumingon. Ang malamig at nakatatakot na aura ng isang billionaire CEO ay agad na napalitan ng lambing at alala nung makita niya ako.

“Joy,” tumayo siya at mabilis na lumapit sa akin.

Pero nang makalapit siya, hindi nakaligtas sa kaniya ang namumula kong mga mata at ang pagod sa aking mukha. Javier's eyes darkened immediately, at nawala ang kaniyang ngiti.

“You’ve been crying,” sabi niya sa isang mababa at seryosong boses. Hindi siya nagtanong kung umiyak ako; he knew instantly.

“H-Hindi... napuling lang ako sa office—”

Bago ko pa matapos ang aking pagsisinungaling, inabot ni Javier ang aking mukha gamit ang kaniyang mga kamay. Dahan-dahan niyang pinunasan ang aking mga mata nang may labis na pag-aalaga na tuluyang sumira sa aking pagpapanggap.

“Don't lie to me, Joy,” bulong niya habang nakatitig sa aking mukha. “Sino ang nagpaiyak sa 'yo? Is it your boss? O ang pamilya mo?”

Muling umagos ang aking mga luha dahil sa kaniyang gentleness. Sa loob ng napakahabang panahon, ngayon lang may nag-alala sa akin nang ganito.

“Javier...” hagulgol ko habang hindi ko na kayang pigilan pa.

Walang salitang sinabi si Javier kundi mabilis niya akong niyakap nang mahigpit. Binuhat niya ako nang bahagya at isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat. Sa loob ng kaniyang yakap, amoy expensive sandalwood at warmth, naramdaman ko ang kakaibang pakiramdam ng seguridad—isang feeling na ligtas ako mula sa malamig at mabagsik na mundo sa labas.

“Tell me, Joy,” bulong niya sa aking buhok habang lalong humihigpit ang kaniyang yakap. “Tell me who hurt you, at sisiguraduhin kong mawawalan sila ng lahat bukas ng umaga.”

Natawa ako nang bahagya sa gitna ng aking iyak dahil alam kong kaya niyang gawin 'yon. As the head of Valderrama Holdings, kaya niyang sirain ang aming agency sa isang tawag lang.

“Huwag... huwag mong sirain ang agency,” bulong ko habang nakahawak sa kaniyang clothes. “Gusto kong patunayan sa kanila na kaya ko. Reassign nila 'yung Valderrama Holdings account kay Brenda dahil 'mas bata' daw siya at 'mas bagay' sa high-society world mo. At ang pamilya ko... sinasabi na naman nila na wala akong mararating kasi matanda na ako at walang asawa.”

Napatigil si Javier.

Naramdaman ko ang biglang pagtigas ng kaniyang mga kalamnan. Ang tension na lumalabas sa kaniya ay nakatatakot. Dahan-dahan siyang lumayo nang kaunti at tiningnan ako gamit ang mga matang puno ng matinding galit para sa mga taong sumakit sa akin.

“Nagsalita sila ng ganoon sa 'yo?” Ang boses ni Javier ay napakatahimik pero puno ng poot. “Tingin nila hindi ka worthy na humawak ng account ko? At lakas ng loob nilang husgahan ka dahil sa edad mo?”

“Javier, okay lang ako—”

“It is not okay,” cold na pagputol niya. Kinuha niya ang kaniyang phone at may tinawagang numero.

“Javier, anong gagawin mo?” tanong ko sa kaba.

Inilagay niya ang phone sa kaniyang tainga habang ang kaniyang mga mata ay nakatutok pa rin sa akin.

“Secretary Vance,” utos ni Javier nang sumagot ang kabilang linya. “Cancel the pitch meeting with Apex Marketing Agency for next week.”

Napakapit ako sa kaniyang braso sa gulat. “Javier, no!”

“Instead,” patuloy ni Javier habang hindi pinapansin ang aking takot, “magpadala ka ng official memo sa Board of Directors nila. Inform them that Valderrama Holdings will only award the 500-million-peso contract kung si Joy Arcenal ang gagawing Senior Lead Executive with full authority. Kapag iba ang inilagay nila—lalong-lalo na ang Brenda na 'yan—we withdraw all our partnerships immediately.”

“Noted, Sir. I'll send the ultimatum right away,” sagot ng secretary bago naputol ang tawag.

Napatitig ako kay Javier na tuluyang nawalan ng sasabihin.

A 500-million-peso contract. Ginamit niya ang napakalaking halaga para lang protektahan ang aking pride sa trabaho. Talk about an overprotective billionaire male lead!

“Javier! Nababaliw ka na ba?!” takot kong bulong. “Ginamit mo ang power ng kumpanya mo para lang sa akin?! Anong iisipin ng Board of Directors mo? Anong iisipin ng tao kapag nalaman nilang pinalitan ang decision process dahil sa akin?”

Inilapag ni Javier ang kaniyang phone sa mesa. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa napaupo ako sa edge ng dining table. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa aking magkabilang gilid at yumuko hanggang sa magkalapit ang aming mga mukha.

“I don’t give a damn about what they think, Joy,” bulong niya habang ang kaniyang mainit na hininga ay dumadampi sa aking mga labi. “My entire empire belongs to me. At kung ang paggamit ng billions ko ang paraan para hindi ka na muling umiyak, I will spend every single centavo I have.”

“Javier...” napahinto ang aking paghinga habang nakatitig siya sa aking mga labi.

“Masyado kang masipag, Joy. Inaaako mo ang burdens ng lahat,” malambing niyang sabi habang inilalagay ang ilang strand ng buhok ko sa likod ng aking tainga. “Let me carry yours now. Huwag mo na akong tanggihan. Let me be the power behind you.”

“Pero paano ang kapatid mo? Paano ang pamilya mo?” tanong ko habang nanginginig ang aking boses sa takot at kagustuhan. “Kapag nalaman nilang ginagawa mo ito para sa akin, sasabihin nilang ginagamit kita. Sasabihin ng mama mo na hindi ako nababagay sa 'yo!”

Ngumiti si Javier—isang matapang at possessive na ngiti na nagpadala ng kuryente sa buo kong katawan.

“Then let them try to separate us,” bulong ni Javier habang ang kaniyang mga labi ay dumadampi sa akin habang nagsasalita. “I’m not twenty-two anymore, Joy. I’m thirty years old, I run a global conglomerate, at may sapat akong power para protektahan ka mula sa pamilya ko, sa pamilya mo, at sa buong mundo.”

Bago pa ako makapagsalita ulit, tinakpan ni Javier ang aking mga labi ng isang malalim, matindi, at possessive na halik.

Hindi ito katulad ng simpleng halik sa balcony sa gitna ng ulan. Ang halik na ito ay puno ng authority, passion, at matinding kagustuhan. Hinawakan niya ang aking baywang at inilapit ang aking katawan sa kaniya habang lalong pinalalim ang halik, dahilan para mawalan ako ng hininga at tuluyang magpadala sa kaniyang touch.

Ang aking mga kamay na dapat ay itutulak siya palayo ay napakapit sa kaniyang leeg at humawak sa kaniyang buhok. Ang labis na devotion at pag-aalaga na ipinapakita niya ay tumunaw sa lahat ng aking takot at insecurities na itinago ko sa loob ng maraming taon.

Nang dahan-dahan siyang lumayo, pareho kaming hinihingal. Ang kaniyang mga mata ay puno ng promise na hinding-hindi mababali.

“On Friday, papasok ka sa boardroom bilang lead executive, Joy,” bulong ni Javier sa aking balat habang nakasandal ang kaniyang mga labi sa aking leeg. “And I will be sitting at the head of the table... waiting to give you everything you deserve.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Tempted by My Friend’s Younger Brother   Chapter 1

    Ang ulan sa BGC ngayong gabi ay walang balak tumigil.It was the kind of downpour that matched my exact state of mind—heavy, gloomy, at sobrang nakakapagod. Sitting inside a crowded coffee shop, nakatitig lang ako sa malamig na cup ng Americano ko. At thirty-five years old, I was supposed to have my life together. Pero eto ako, katatapos lang makipag-break sa ex-boyfriend kong walang ibang ginawa kundi ipamukha sa akin na matanda na ako, at fresh din mula sa panibagong sermon ni Mama sa telepono kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakasal. “Joy, Look at your cousins. May pamilya na, may sarili nang bahay. Ikaw, hanggang kailan ka magiging corporate slave lang?”Ang boses ni Mama ay paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko. Isama mo pa ang toxicity sa office kung saan ang promotion na matagal kong pinaghirapan ay naibigay lang sa mas batang favored ng management. I felt suffocated, brokenhearted, at sukang-suka na sa pressure ng buhay. Napa-buntong hininga ako at hinawakan ang n

  • Tempted by My Friend’s Younger Brother   Chapter 2

    Ang matinding tahimik sa loob ng luxury Maybach ay tila mas maingay pa kaysa sa malakas na buhos ng ulan sa labas.My hand felt like it was on fire beneath Javier's grip. His palm was large, warm, and calloused in a way that spoke of subtle power and authority. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng limang taon, naramdaman kong tila nawalan ako ng kontrol sa sarili kong katawan. My breath trapped inside my chest, and my heart beat against my ribs so violently that I was terrified he might actually hear it.“Javier...” I tried to pull my hand back gently, but his fingers tightened just enough to keep me from retreating, yet soft enough not to hurt me.“Bakit, Joy?” He shifted his body sideways, leaning closer against the leather headrest. Under the dim amber light of the car interior, his sharp jawline and deep-set dark eyes looked almost dangerously handsome. “Nakatatakot ba na marinig ang totoo?”“Hindi sa ganun,” nauutal kong paliwanag, habang pilit kong iniiwas ang tingin ko sa ka

  • Tempted by My Friend’s Younger Brother   Chapter 3

    Ang bawat salitang binitiwan ni Javier para sa kaniyang toast ay parang kulog na yumanig sa buo kong pagkatao.“To new beginnings. And to claiming what has always been mine.”Lahat ng tao sa hapag-kainan ay nag-cheers at uminom mula sa kani-kanilang wine glasses, oblivious to the dangerous subtext behind his words. Pero ako? Parang nagbara ang lalamunan ko habang pilit kong inuubos ang alak sa baso ko. Sa ilalim ng mesa, naramdaman ko ang dahan-dahang pagpisil ng mga daliri ni Javier sa kamay ko bago niya ito huling hinawakan at dahan-dahang binitiwan.“Aba, Javier! Sino naman 'yang sinasabi mong claims mo?” masayang biro ng tito niya. “Huwag mong sabihing may nakatagong girlfriend ka pala sa ibang bansa?”A small, mysterious smile crossed Javier’s face. “Wala sa ibang bansa, Tito. Nasa Pilipinas lang.”Napa-ubo ako nang bahagya dahilan para mabilis na kumuha ng table napkin si Bea at ibigay sa akin. “Joy, dahan-dahan lang! Nag-mamadali ka naman masyado sa alak,” tawa niya habang tina

  • Tempted by My Friend’s Younger Brother   Chapter 4

    Dali-dali kong tinanggal ang coat ni Javier mula sa aking mga balikat at inabot ito sa kaniya. My hands were trembling so much that I almost dropped the heavy fabric onto the wet tiles of the balcony.“Ate Bea is coming,” bulong ko nang may halong pakiusap habang pilit kong iniiwas ang tingin ko sa mga labi niyang kakatanaw ko lang. “Please, Javier. Umayos ka.”Javier calmly took his coat, smoothly draping it over his arm. There was no trace of panic in his features—only a cool, dark satisfaction. “I’m always composed, Joy. Ikaw lang naman ang natataranta.”Bago pa ako makasagot, bumukas ang sliding glass door ng lanai. Iniluwa doon si Bea na may hawak na dalawang malalaking payong.“Nandito lang pala kayo!” usal ni Bea habang lumalapit sa amin. “Joy, bakit ka nagpapaulan? Baka magkasakit ka niyan, lagot ako sa sarili ko. At ikaw naman, Javier, pumasok na kayo sa loob. Malamig na ang simoy ng hangin.”“Papasok na sana kami, Ate,” sagot ni Javier sa isang napakalumanay at innocenteng b

  • Tempted by My Friend’s Younger Brother   Chapter 5

    Ang amoy ng masarap na Italian food sa loob ng Maybach ni Javier ay dahan-dahang napalitan ng malamig na hangin ng aircon sa aming opisina. Pagkababa ko mula sa kaniyang sasakyan habang may simpleng halik pa rin sa aking noo, para akong lumulutang sa ulap habang naglalakad pabalik sa aking desk. Floating on cloud nine, 'ika nga ng mga teenager sa Wattpad.Pero mabilis ding naglaho ang magandang panaginip nang makatapak ako sa mismong office floor. Napakabigat ng atmosphere at halatang may masamang nangyayari.“Joy! Thank God nakabalik ka na!” bulong sa akin ni Carla, ang junior associate ko, habang mabilis siyang lumalapit sa akin. Spooked ang mukha niya habang nakatitig sa glass doors ng silid ng aming boss.“Bakit, Carla? Anong nangyari nung wala ako?” tanong ko habang inilalapag ang aking bag at ang bitbit kong lunch box mula kay Javier.“Nandiyan si Sir Marcus at si Brenda. Kanina ka pa nila hinahanap,” kaba nitong sagot. “Tiningnan nila 'yung mga hawak mong accounts. Parang may b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status