Elliana "Yanna" MontecastroWala pang dalawampu't apat na oras mula nang pirmahan ko ang kontrata kay Madam Beatriz, eto na ako ngayon, nakatayo sa loob ng isang private intensive care unit ng St. Jude Medical Center. Hindi ito ang pangarap kong kasal noong bata pa ako. Walang puting belo, walang magarang simbahan, at higit sa lahat, walang groom na naghihintay sa altar nang nakangiti.Ang tanging kaharap ko ngayon ay ang tunog ng heart monitor na bip... bip... bip... ang mabigat na amoy ng antiseptiko, at ang malamig na aircon na tumatagos sa balat ko.Naka-isang pirasong simpleng itim na damit lang ako habang suot ang sapatos na basa pa rin ang dulo mula sa ulan kahapon. Sa tabi ko, nakatayo ang isang pari na mukhang pilit ding pinapunta rito, kasama ang ilang matataas na opisyal ng Fuentebella Group na seryosong nakatitig sa akin. Para kaming mga tauhan sa isang lamay, maliban sa katotohanang may magaganap na kasal."I-ready niyo na ang singsing," malamig na utos ni Madam Beatriz h
Última actualización : 2026-10-11 Leer más