PrologueLaicel’s POV“Lagi na lang kitang naaabutan na may kasamang babae...” mahina kong saad, halos hindi ko na makontrol ang panginginig ng boses ko habang pinagmamasdan siya. "Everytime na nagyayari ‘yon, Cassiel... mas lalo akong nasasaktan."Umiiyak na ako, pero wala kahit anong pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Para bang sanay na siya sa ganitong eksena, o baka naman... wala talaga siyang pake.“Nasasaktan?” ulit niya, may halong mapait na ngiti sa labi. “Laicel, bakit ka masasaktan? Anong karapatan mo?”Napatingin ako sa kanya, umaasang kahit konting lambing, kahit kaunting awa, pero wala. Sobrang linaw ng mga mata niya — diretso, matalim, parang kutsilyong unti-unting pinupunit ang puso ko.“Simula pa lang, sinabi ko na sa’yo.” malamig niyang saad. “Wala tayong label, Laicel. Hindi kita girlfriend. Hindi kita mahal. At lalong hindi ko kailanman pinangakong ikaw lang.”Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko, pilit pinipigilang humikbi. Gusto kong sumigaw, gusto ko
آخر تحديث : 2026-10-14 اقرأ المزيد