ログインNagbakasyon ako sa isang barko upang makalayo at maalimot mula sa ex kong nag cheat, pero hindi ko inasahan na may makikilala ako dun na isang matipunong lalaki na tutulong sa akin paano maghilom ang mga sugat mula sa nakaraan. Kung kailan komportable na ako sa kaniya tsaka naman ako tatakas at aalis na sa mismong barko para itago ang sekreto na nabuntis niya ako.
もっと見るPrologue
Laicel’s POV
“Lagi na lang kitang naaabutan na may kasamang babae...” mahina kong saad, halos hindi ko na makontrol ang panginginig ng boses ko habang pinagmamasdan siya. "Everytime na nagyayari ‘yon, Cassiel... mas lalo akong nasasaktan."
Umiiyak na ako, pero wala kahit anong pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Para bang sanay na siya sa ganitong eksena, o baka naman... wala talaga siyang pake.
“Nasasaktan?” ulit niya, may halong mapait na ngiti sa labi. “Laicel, bakit ka masasaktan? Anong karapatan mo?”
Napatingin ako sa kanya, umaasang kahit konting lambing, kahit kaunting awa, pero wala. Sobrang linaw ng mga mata niya — diretso, matalim, parang kutsilyong unti-unting pinupunit ang puso ko.
“Simula pa lang, sinabi ko na sa’yo.” malamig niyang saad. “Wala tayong label, Laicel. Hindi kita girlfriend. Hindi kita mahal. At lalong hindi ko kailanman pinangakong ikaw lang.”
Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko, pilit pinipigilang humikbi. Gusto kong sumigaw, gusto kong magalit, pero paano ko ipipilit ang sarili ko sa isang taong kailanman hindi naman ako pinili?
“Kasama mo ako sa kama, oo. Pero ‘yon lang ‘yon.” tuloy niya, walang pakialam sa luhang tuluyan nang bumagsak sa pisngi ko. “Parausan lang tayo, Laicel. Alam mo ‘yan.”
Napalunok ako, pilit nilulunok ang pait ng katotohanan.
“Walang masama kung makita mo akong may kasamang iba. Normal lang ‘yon. Hindi ikaw, hindi ako, hindi tayo — walang tayo. Wala dapat akong ipaliwanag.”
Sa bawat salitang bitawan niya, para akong pinapatay ng dahan-dahan. Gusto kong sisihin ang sarili ko, kasi mula’t simula, alam ko namang bawal. Alam ko namang laro lang ‘to. Alam ko namang hindi ako mahalaga.
Pero paano ko sasabihin sa kanya?
Paano ko sasabihin na buntis ako?
Paano kung ‘yung parausan lang niya, may dalang bunga?
Sa sobrang sakit, hindi ko na alam kung alin ang mas mabigat — ‘yung katotohanang wala kaming label, o ‘yung katotohanang sa kabila ng lahat, minahal ko siya ng sobra.
Tahimik lang siyang nakaupo sa gilid ng kama, yakap-yakap ang kanyang lumang stuffed toy — si "Bunso" — na tila naging saksi na sa lahat ng lungkot at kakulangan sa buhay niya. Hindi siya nagsasalita, pero kita ko ang malalim niyang paghinga, at ang paminsan-minsang pagpahid ng munting palad sa namumuong luha sa gilid ng mata niya.
Lumingon ako sa kanya, nagtataka kung bakit biglang tumahimik ang anak kong palaging maingay at puno ng kwento kapag galing sa school.
Pagkaraan ng ilang saglit, halos pabulong, halos hindi ko pa narinig, dahan-dahan siyang nagsalita.
“Mommy...” Mahina, parang takot. Parang nag-iipon ng lakas ng loob.
“Pwede po ba kitang tanungin?” dagdag niya, pero hindi niya magawang tumingin sa akin. Nakatitig lang siya sa hawak niyang laruan, pinipisil ang tainga nito, paulit-ulit, na para bang doon niya nilalabas ang kaba.
“Anong pangalan ng daddy ko?” sunod niyang tanong, halos bulong, halos nauupos ang boses.
Tumigil ang mundo ko. Pakiramdam ko, nabingi ako sa mga salitang iyon kahit sobrang hina. Para akong nilunod ng sariling konsensya.
Tahimik siyang naghintay ng sagot, pero naramdaman kong may kasunod pa. Pinilit niyang ituloy kahit nanginginig ang boses niya.
“Lagi po kasi akong inaasar ng classmates ko...” huminga siya ng malalim, pilit pinipigilang umiyak. “Sabi nila, wala daw akong ama.”
Napapikit ako. Pilit kong nilulunok ang bigat sa lalamunan ko, habang pinagmamasdan ko ang bata kong walang kamalay-malay sa likod ng istoryang tinatago ko sa kanya.
“Mommy... Totoo po ba ‘yon?” mahina niyang dagdag, bakas sa boses ang pagkabasag ng puso niya. “Wala po ba talaga akong daddy? O ayaw mo lang po sabihin?”
Dahan-dahan niyang nilingon ang mga mata ko, puno ng inosenteng sakit at tanong. Hindi ako makagalaw. Ang sarap niyang yakapin at sabihing "nandito si Mommy," pero alam kong hindi sapat ang yakap para punan ang butas na matagal ko nang tinatago sa kanya.
Paano ko sasabihin sa kanya, na ang taong hinahanap niya, ay kailanman hindi naghangad na maging bahagi ng buhay niya?
Paano ko sasabihin, na sa mundo niya... ako lang talaga ang meron siya?
Sa tahimik na gabing ‘yon, isang simpleng tanong ng bata ang nagpabigat ng mundo ko, at isang simpleng sagot ang hindi ko kayang ibigay.
DISCLAIMER
Ang kwentong ito ay gawa ng malikot na imahinasyon ng may-akda.
Lahat ng karakter, lugar, at pangyayari ay kathang-isip lamang at hindi sinasadya kung ito man ay may pagkakahalintulad sa totoong tao, lugar, o pangyayari.
Unleashed Desire ay may temang mature content, strong language, at sensitive scenes na hindi angkop para sa mga menor de edad o sa mga hindi komportable sa ganitong klase ng istorya.
Expect:
Intense emotions
Explicit scenes
Toxic relationships
Reality bites — hindi puro fairy tale!
Read at your own risk!
Kung ikaw ay naghahanap ng wholesome, sweet, at puro kilig lang na kwento — turn back now.
Pero kung handa kang sumabak sa mundong puno ng tukso, kasalanan, at sakit...
Welcome aboard, Love. The ride won't be easy — but it will be worth it.
AUTHOR'S NOTE
— Welcome to "UNLEASHED DESIRE" —
A Tempted Curse Collaboration
Hi, Lovies!
Una sa lahat, gusto ko kayong batiin ng isang mainit na welcome sa bago kong obra — isang kwentong hindi lang magpapa-init ng imahinasyon, kundi magpapa-sakit din sa puso ninyo.
"UNLEASHED DESIRE" is not your typical love story.
Walang fairy tale ending.
Walang knight in shining armor.
At lalong walang "forever" na pinangako.
Tsaka hindi Po magiging possible ang aking obrang ito kung hindi ako nakatanggap ng invitation about sa tempted Cruise Collaboration! Thank you for inviting me ate Jona! Hi dear! shout out po sayo!!
Hindi po talaga ako makapaniwala na isa Ako sa napakaraming Tagalog author Ang ma invite sa ganitong klaseng opportunity. I mean, newbie lang po ako and I still can't believe na sa Dami Ng sikat na author bakit Ako?
Bakit ako? HAHA so balik na tayo sa kwento.
Ito ang kwento ng dalawang taong nagtangkang laruin ang tadhana, sa lugar kung saan wala kang ibang mararamdaman kundi pagnanasa, tukso, at bawal na kasiyahan.
Makikilala niyo si Laicel Haven Santos — isang dalagang adventurous, palaban, pero sa huli... puso rin ang nasusugatan.
At si Cassiel Navarro Kingsley — isang lalaking mukhang perpekto sa panlabas, pero sa likod ng mapanuksong ngiti niya, may tinatagong dilim at katotohanang sisira sa lahat ng pangarap mong maging "kayo."
Ang The Tempted Cruiser, kung saan naganap ang kanilang kwento, ay hindi lang simpleng barko — ito ang lugar kung saan hindi uso ang commitment, kung saan ang relasyon ay limitado lang sa init ng gabi, at kung saan ang "feelings" ay isang mortal na kasalanan.
Warning:
Sa kwentong ito, hindi laging masaya. Hindi laging kilig.
May mga eksenang magpapasabik, magpapaiyak, magpapa-selos, at higit sa lahat... magpapa-realize sa inyo na minsan, ang pag-ibig ay hindi sapat para baguhin ang isang taong hindi kailanman naging iyo.
Kung handa ka nang sumakay sa barkong ito, siguraduhin mong kaya mong dalhin ang pait, init, at bigat ng emosyon. Dahil once na pumasok ka sa mundo ng Tempted Cruise hindi ka na basta-basta makakaalis.
So sit back, relax, and let your heart drown —
Welcome aboard, sweetheart. Let the temptation begin.
Love,
yshanggabi
Chapter 3Laicel POVHindi pa Rin ako makapaniwala at nangingisi Ako sa kilig Ng maalala yung nangyari kanina.Cassiel... Cassiel Navarro Kingsleyl"Ahhhhhhhh" sigaw ko at nagsimula nanamang mangisi! Hindi ko alam kung bakit ganito yung epekto niya pero Kasi yung tingin ng lalaki! Kakaiba! Laglag panty na ata ako nito!May naisip naman akong kakaiba! Tama! Tumayo Ako sa pagkakahiga sa kama at hinanap yung brochure na binigay sa akin kanina Ng receptionist.Kung may kapitbahay akong foreigner na gwapo, ano pa kayang mayroon sa ibang palapag diba? Maaga pa naman, kaya bago matapos nag araw na ito, kinakailangan may mapuntahan Ako na parte Ng barko!Nang makita ko ang brochure ay agad ko ng tiningnan kung saan nanaman Ako sunod na pupunta. Napangiti Naman ako ng mabasa Ang description sa 9th Deck!"Ang pinakatanyag — Sexual Fantasy Zone.10 big halls, each designed para sa wildest desires: orgy parties, "sex on hole" rooms, at kung ano pang hindi ko pa naririnig. Isang lugar kung saan wa
Chapter 2Laicel POVMabuti na lang at may signal pa kaya naman makapag update pa ako sa kaibigan kong musang. Kaya Naman hindi ko na muna iniligpit ang gamit ko at ibinagsak na ang katawan sa may sofa.Nang makahiga Ako ay agad ko ng binuksan ang cellphone ko. Pinicturan ko ang buong sala. Kung saan Ang unang picture ay sa malaking tv na nasa harap ko.Pinicturan ko rin ang sarili ko na nakahiga sa malambot at malaking sofa, nagwakky pa ako upang mainggit siya.Inantay kong mag seen niya yung message ko, Maya maya nga ay nabasa niya na kaya biglang tumunog Ang phone ko. Tumawag na ang mosang"HAHAHHA, inggit yarn?" Tanong ko sa sarili ko. Sinagot ko na ang tawag at nagseryoso na. At dahil video call ito kita ko agad ang mukha ng mosang. "Ano?""Woii girl! Nasa barko ka ba talaga?" Tanong niya na para bang naluluha pa dahil hindi makapaniwala sa nakita niya."Oo nga nasa barko ako HAHA" Natatawa ko namang sabi. Alam ko kung anong iniisip niya, nagustuhan niya Ang Lugar, maski nga ako
CHAPTER 1Laicel's POVHila-hila ko ang itim kong maleta, ‘yung bagong biling limited edition na luggage na halos kasing kinis ng balat ko — courtesy of my luxurious, spoiled brat life.Habang abala ako sa pag-aayos ng earphones sa tenga, biglang nag-vibrate ang phone ko. Sa caller ID pa lang, alam ko na kung sino — si Jill, ang kaibigan kong tsismosa at certified chismosa sa lahat ng galawan ko."Hello, Jill?" sagot ko, medyo hinihingal pa dahil sa kakabuhat ng maleta."WOII! Asan ka na naman? Saan ka na naman lulugar ngayon, ha? Anong adventure mo this time, girl?" bungad niya agad, puno ng excitement at sabik. Sanay na siya sa kalikutan ng lifestyle ko, pero mukhang curious siya ngayon.Napangiti ako habang tinatapunan ng tingin ang paligid. Ramdam ko ‘yung kakaibang saya sa dibdib ko, knowing na this trip is not just the usual — it's something new, something wilder."Kakaibang lugar." Sagot ko, naglalakad pa rin papunta sa entrance ng building na may nakalagay na bold, shining let
PrologueLaicel’s POV“Lagi na lang kitang naaabutan na may kasamang babae...” mahina kong saad, halos hindi ko na makontrol ang panginginig ng boses ko habang pinagmamasdan siya. "Everytime na nagyayari ‘yon, Cassiel... mas lalo akong nasasaktan."Umiiyak na ako, pero wala kahit anong pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Para bang sanay na siya sa ganitong eksena, o baka naman... wala talaga siyang pake.“Nasasaktan?” ulit niya, may halong mapait na ngiti sa labi. “Laicel, bakit ka masasaktan? Anong karapatan mo?”Napatingin ako sa kanya, umaasang kahit konting lambing, kahit kaunting awa, pero wala. Sobrang linaw ng mga mata niya — diretso, matalim, parang kutsilyong unti-unting pinupunit ang puso ko.“Simula pa lang, sinabi ko na sa’yo.” malamig niyang saad. “Wala tayong label, Laicel. Hindi kita girlfriend. Hindi kita mahal. At lalong hindi ko kailanman pinangakong ikaw lang.”Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko, pilit pinipigilang humikbi. Gusto kong sumigaw, gusto ko






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.