Alessa POVMabigat ang hawak kong clipboard habang pinapanood ko silang dalawa sa gitna ng grand garden ng isang sikat na resort sa Tagaytay. Ang lamig ng simoy ng hangin, pero ang pakiramdam ko ay parang pinandidirihan ako ng buong katawan."Babe, doon tayo sa may gazebo! I want the Manila Bay sunset in the background," malambing na reklamo ni Chloe habang nakasabit ang mga kamay nito sa braso ni Kevin.Si Kevin. Ang ex-fiancé ko ng tatlong taon. At si Chloe, ang kinakapatid ko na walang ibang ginawa kundi ang mang-agaw ng kung anong meron ako. Ngayon, ako pa ang hired event planner para sa pre-nup shoot at kasal nila. Sobrang kapal ng mukha. Ginamit nila ang desperasyon ko para sa pondo ng event styling company ko para utusan ako. Akala nila, iiyakan ko sila at magmamakaawa ako.Naramdaman ko ang pagtulo ng malamig na pawis sa batok ko, pero pinilit kong itaas ang baba ko. Ayokong makita nilang durog na durog na ako. Kailangan kong tapusin ang araw na ito nang nakatayo."Sasha, paki
Last Updated : 2026-10-14 Read more