LOGINAlessa POV
Alas-siyete ng gabi nang huminto ang kulay-itim na Rolls-Royce sa tapat ng Grand Ballroom ng Singson-Ledesma Hotel and Towers dito sa BGC. Ang buong paligid ay naglalagablab sa liwanag ng mga mamahaling chandelier at sa dami ng mga dumadagsang mamamahayag at sikat na personalidad sa industriya. Ito ang gabi ng opisyal na charity gala at ang pinakahihintay na anunsyo ng pag-iisang dibdib nina Kevin at Chloe. Para sa kanila, ito ang pinakamahalagang gabi ng kanilang mga angkan. Para sa akin, ito ang simula ng pagguho ng kanilang mundo.
Bago buksan ng driver ang p***o, naramdaman ko ang paghawak ni Rafael sa kamay ko. Malamig man ang mga daliri nito kanina, ramdam ko ngayon ang pagiging pamilyar at matatag ng kapit niya. Lumingon ako sa kanya at nakita kong seryoso itong nakatingin sa akin habang bahagyang nakataas ang isang gilid ng labi.
"Remember, Sasha. We own this night. Just follow my lead and let them choke on their own shock," bulong ni Rafael sa akin, ang boses ay mababa at puno ng awtoridad na nagbigay ng kakaibang kuryente sa sistema ko.
Tumango ako nang may buong determinasyon. Isinuot ko sa aking mukha ang pinakamalamig at pinaka-eleganteng ngiti bago ko dahan-dahang hinakbang ang paa ko palabas ng sasakyan.
Pagbaba ko pa lang, agad nang nakuha ng mga flash ng camera ang atensyon ko. Ang mga taong naroroon sa red carpet ay biglang natahimik at napalingon sa direksyon namin. Hindi dahil sa isa akong sikat na artista, kundi dahil sa taong kasabay ko—si Rafael Singson-Ledesma, ang pinakakinatakutan at pinakamatagumpay na bilyonaryo na madalas iwasan ng pamilya nila sa mga ganitong pagtitipon dahil sa mga kontrobersya sa negosyo, ngayon ay nakahawak sa bewang ko habang sabay kaming naglalakad papasok.
Ramdam ko ang pagbulong-bulungan ng mga tao sa paligid habang papalapit kami sa grand entrance.
"Sino yung babae?"
"Hindi ba't siya 'yung event stylist na ex ni Kevin?"
"Paano siyang nakasama kay Mr. Singson-Ledesma? Akala ko ba untouchable si Rafael pagdating sa mga ganyang relasyon?"
Hindi ko pinansin ang mga chismis. Itinaas ko ang baba ko at tiningnan ang mga ito nang may mataas na paninindigan. Suot ko ang custom-made red velvet gown na may mataas na hiwa sa binti, complemented by minimalist diamond earrings na ipinahiram sa akin ng team ni Rafael. Wala nang natira sa mukha ko na magpapakita ng babaeng umiyak sa isang sulok noong nakaraang araw.
Pagpasok namin sa loob ng malawak at marangyang ballroom, parang binuhusan ng malamig na tubig ang mga taong nakatayo malapit sa VIP stage. Naroon sina Don Leonardo Singson-Ledesma, ang matandang ama nila Kevin at Rafael, kasama ang ina ni Chloe at si Kevin mismo na may hawak na champagne glass. Si Chloe naman ay nakasuot ng napakagarang white designer dress, mukhang reyna na naghihintay sa trono niya. Pero nang lumingon sila sa direksyon namin, biglang nalaglag ang panga ni Kevin at halos mabitawan ni Chloe ang hawak nitong baso.
Hindi na ako nagtaka kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nila. Ang akala nila ay nakaratay na ako sa lungkot o kaya ay nagmamakaawa pa rin sa labas. Pero narito ako, suot ang damit na nagkakahalaga ng higit pa sa taunang sweldo ng ilang empleyado nila, at nakakapit sa braso ng pinakamakapangyarihang tao sa buong silid na ito—ang mismong kuya nilang kinamumuhian at kinatatakutan ng pamilya nila.
"R-Rafa?" nanginginig na tawag ni Don Leonardo habang mabilis na naglakad papalapit sa amin, halata ang matinding galit at gulat sa mukha ng matanda. "Anong ginagawa mo rito? At sinabi ko nang huwag na huwag kang magpapakita sa mga ganitong okasyon nang walang pahintulot ko!"
Hindi natinag si Rafael. Bahagya pa itong ngumiti bago tiningnan ang ama nang may matalim at malamig na mga mata. "Don Leonardo, nagkamali po kayo ng akala. Hindi ako pumunta rito para makiusap o maki-party sa inyo. Narito ako para i-present ang magiging maybahay ko."
Kumalat ang bulung-bulungan sa buong bulwagan. Ang mga mamamahayag ay mabilis na itinutok ang mga camera sa amin, sabay-sabay ang pag-flash ng mga ilaw na para bang naghihintay ng pinakamalaking pasabog sa taong ito.
"Maybahay?" galit na sigaw ni Kevin habang mabilis na lumapit sa amin, nanginginig ang mga kamay nito sa sobrang inis habang nakaturo sa akin. "Kuya,nababaliw ka na ba?! Alam mo ba kung sino ang babaeng 'yan? Tuta ko lang 'yan! Ex-girlfriend ko 'yan na iniwan ko lang dahil walang-wala siya! Anong kalokohan ang pinagsasabi mong magiging maybahay mo siya?"
Natahimik ang buong paligid sa sinabi ni Kevin. Marami ang nagulat sa kawalan ng modo nito sa harap ng nakatatandang kapatid, at lalong lalo na sa mga salitang ibinato niya sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko hindi dahil sa hiya, kundi dahil sa matinding poot.
Bago pa makapagsalita si Rafael, hinigpitan ko ang kapit ko sa braso niya at humakbang ako palapit kay Kevin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa—isang tingin na puno ng paghamak at pagkaawa.
"Tuta mo, Kevin?" malamig kong tanong, sapat para marinig ng mga taong malapit sa amin. "Tama ka, naging tanga ako sa loob ng tatlong taon dahil nagpakababa ako sa isang lalaking walang ibang alam kundi umasa sa yaman at apelyido ng pamilya niya. Pero salamat sa pag-iwan mo sa akin... dahil kung hindi mo ginawa 'yun, hindi ko sana nakilala ang tunay na lalaki na hinding-hindi ako kailanman itatago o ikakahiya."
Si Chloe, na namumula na sa galit at hiya, ay lumapit din habang nanginginig ang boses. "Sasha, ang kapal ng mukha mo! Akala mo ba totoo 'yang sinasabi niya? Ginigirihan ka lang ni Kuya Rafa para asarin kami! Hindi ka kailanman magiging pamilya namin!"
"Pamilya?" sabat ni Rafael habang dahan-dahang inilalagay ang braso sa baywang ko at inilapit ako nang tuluyan sa katawan niya, ipinapakita sa lahat na totoo ang pag-angkin niya sa akin. "Huwag kayong mag-alala, Chloe. Wala kaming balak maging bahagi ng maruming pamilyang ito. Dahil sa sandaling ikasal kami ni Sasha, wala nang kaugnayan ang pangalan ko sa inyo."
Namutla si Don Leonardo sa narinig. Alam ng matanda na kung mawawalan ng suporta o tuluyang kalabanin ni Rafael ang Singson-Ledesma Group gamit ang sarili nitong imperyo, tuluyang babagsak ang kumpanya nila.
"Rafa, huwag kang magpadalos-dalos sa galit mo!" banta ng matanda habang nanginginig ang boses sa harap ng mga bisita at mamamahayag.
Ngumisi si Rafael habang tumingin nang diretso sa mata ng ama nito. "Huli na ang lahat, Dad. Tapos na ang panahong nagpapasakop ako sa mga gusto ninyo."
Lumingon si Rafael sa akin, at ang malamig nitong mga mata ay napalitan ng kakaibang lambot na alam kong para sa palabas lang, pero sapat para maniwala ang buong mundo. Inilapit nito ang mukha sa tainga ko at ibinulong, "This is just the beginning, my love. Watch them burn."
Alessa POVTahimik ang loob ng kotse habang binabagtas namin ang kahabaan ng C5 highway patungong BGC. Ang tanging ingay na maririnig ay ang mahinang tunog ng aircon at ang alingawngaw ng mga iniisip ko. Pagkatapos ng kaguluhang ginawa namin sa gala, alam ko na hindi na tatahimik ang buhay ko simula sa gabing ito. Siguradong bukas ng umaga, aabutin na ng mga tabloid at business news sites ang balita tungkol sa pag-anunsyo ng engagement namin ng pinakamakapangyarihang lalaki sa Singson-Ledesma Group. Si Kevin at ang pamilya niya ay tiyak na nagwawala na sa galit habang pinag-iisipan kung paano nila kami uubusin.Lumingon ako kay Rafael na seryosong nagmamaneho habang nakatingin sa daan. Kahit suot na nito ang puting polo shirt dahil tinanggal na niya ang tuxedo jacket kanina, bakas pa rin sa tindig niya ang awtoridad at kapangyarihan."Hindi ka ba natatakot sa pwedeng gawin ng ama mo?" pagbasag ko sa katahimikan habang inilalagay ang isang kamay sa ibabaw ng aking hita. "Kitang-kita ko
Alessa POVAng ingay ng mga camera flash ay parang sunod-sunod na kidlat na pumipitik sa gitna ng madilim na silid. Lahat ng mata sa grand ballroom ay nakatutok sa amin ni Rafael. Ang mga bulung-bulungan ay mabilis na kumalat parang apoy sa damuhan, at kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni Don Leonardo sa matinding hiya at galit habang pinapanood kaming hawak ni Rafael sa bewang sa gitna ng entablado."Rafa, pinapahiya mo ang buong angkan natin sa harap ng mga taong ito!" nanginginig na sigaw ni Don Leonardo habang lumalakad palapit, hawak ang tungkod nito na para bang gusto kaming ipamalo.Hindi natinag si Rafael. Bahagya pa itong ngumisi, yung ngiting may halong pait at tagumpay na nagpatigil sa matanda. "Angkan? Anong angkan ang sinasabi mo, Don Leonardo? Simula noong araw na itaboy ninyo ang ina ko at ipagkait sa akin ang apelyidong ito, wala na akong kilalang Singson-Ledesma kundi ang sarili ko. At ngayon, dinadala ko ang babaeng ito hindi bilang bahagi ng pamilya ninyo, kundi
Alessa POVAlas-siyete ng gabi nang huminto ang kulay-itim na Rolls-Royce sa tapat ng Grand Ballroom ng Singson-Ledesma Hotel and Towers dito sa BGC. Ang buong paligid ay naglalagablab sa liwanag ng mga mamahaling chandelier at sa dami ng mga dumadagsang mamamahayag at sikat na personalidad sa industriya. Ito ang gabi ng opisyal na charity gala at ang pinakahihintay na anunsyo ng pag-iisang dibdib nina Kevin at Chloe. Para sa kanila, ito ang pinakamahalagang gabi ng kanilang mga angkan. Para sa akin, ito ang simula ng pagguho ng kanilang mundo.Bago buksan ng driver ang pinto, naramdaman ko ang paghawak ni Rafael sa kamay ko. Malamig man ang mga daliri nito kanina, ramdam ko ngayon ang pagiging pamilyar at matatag ng kapit niya. Lumingon ako sa kanya at nakita kong seryoso itong nakatingin sa akin habang bahagyang nakataas ang isang gilid ng labi."Remember, Sasha. We own this night. Just follow my lead and let them choke on their own shock," bulong ni Rafael sa akin, ang boses ay mab
Alessa POVTahimik ang buong biyahe mula Tagaytay pabalik ng Maynila. Tanging ang mahinang tunog ng aircon at ang boses mula sa radio ang bumasag sa tensyon sa loob ng itim na SUV ni Rafael. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinapanood ang mga ilaw sa kalsada na mabilis na lumilipas. Hanggang ngayon, parang nananaginip pa rin ako. Isang oras ang nakakalipas, isa lang akong api-apihang event planner na pinag-isipan ng masama at pinagtawanan sa mismong pre-nup shoot ng ex ko. Ngayon, sakay ako ng sasakyan ng isa sa pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa, at kasundo ko na siya sa isang pekeng kasunduan."Hindi ka pa rin ba makapaniwala sa ginawa mo, Ms. Buenavista?" basag ni Rafael sa katahimikan habang nananatiling nakatuon ang mga mata sa daan. Seryoso ang mukha nito, pero may bahid ng sarkasmo ang boses.Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Mas nagtataka ako kung bakit ka pumayag agad sa isang desperadong ideya, Mr. Singson-Ledesma. Hindi ba dapat ay pina
Alessa POVTumahimik ang buong paligid. Para bang biglang pinatay ang background music ng resort at ang tanging naririnig ko na lang ay ang malalakas na kabog ng dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang tingin ng buong production crew, pati na ang pagtigil ng mga photographer sa pag-click ng kanilang mga camera.Nakatitig sa akin sina Kevin at Chloe na para bang nakakita sila ng multo. Ang ngiting-tagumpay kanina sa mga labi ni Chloe ay napalitan ng pagkakabukas ng bibig sa sobrang gulat. Si Kevin naman ay namula ang mukha, lumipat ang tingin sa akin at kay Rafael na nakahawak pa rin sa matigas na braso."Sasha, anong kalokohan 'to?" basag ni Kevin sa katahimikan, mabilis na nawala ang pagiging relaxed nito at napalitan ng pagka-alarma. "Sino ka ba sa inaakala mong... At si Rafa pa talaga ang napili mong gawing biro? Gising, Sasha! Event planner ka lang dito, hindi ka kabilang sa mga Singson-Ledesma!"Lalong sumiklab ang galit sa dibdib ko nang marinig ko ang pangungutya sa tono niya. Tinin
Alessa POVMabigat ang hawak kong clipboard habang pinapanood ko silang dalawa sa gitna ng grand garden ng isang sikat na resort sa Tagaytay. Ang lamig ng simoy ng hangin, pero ang pakiramdam ko ay parang pinandidirihan ako ng buong katawan."Babe, doon tayo sa may gazebo! I want the Manila Bay sunset in the background," malambing na reklamo ni Chloe habang nakasabit ang mga kamay nito sa braso ni Kevin.Si Kevin. Ang ex-fiancé ko ng tatlong taon. At si Chloe, ang kinakapatid ko na walang ibang ginawa kundi ang mang-agaw ng kung anong meron ako. Ngayon, ako pa ang hired event planner para sa pre-nup shoot at kasal nila. Sobrang kapal ng mukha. Ginamit nila ang desperasyon ko para sa pondo ng event styling company ko para utusan ako. Akala nila, iiyakan ko sila at magmamakaawa ako.Naramdaman ko ang pagtulo ng malamig na pawis sa batok ko, pero pinilit kong itaas ang baba ko. Ayokong makita nilang durog na durog na ako. Kailangan kong tapusin ang araw na ito nang nakatayo."Sasha, paki







