ICEY POV Kinabukasan, naging tila isang gintong kulungan ang buong mansyon. Pagkababa ko sa kainan para sa almusal, nakatayo sa bawat sulok ng foyer ang mga karagdagang guwardiyang nakaitim. Ang aking mga susi ng kotse ay wala na sa mesa, at ang selpon ko ay pansamantalang pinalitan ng isang bagong yunit na mayroon lamang tatlong nakatagong numero, sina Lincoln, Derick, at ang personal na drayber ng pamilya. Nakatitig ako sa tasa ng kape habang nakaupo sa mahabang dining table. Sa kabila ng mesa, pormal na nakaupo si Lincoln habang nagbabasa ng panibagong financial report mula sa kanyang tablet. Naka-business suit na naman siya, seryoso at walang kaabu-abong bahid ng kapaguran mula sa nangyari kagabi. “Kinuha mo ang susi ng kotse ko,” malamig kong pahayag habang inilalapag ang tasa. “I didn’t just take it. I had your car towed to the garage for scheduled maintenance,” sagot ni Lincoln nang hindi man lang nag-aangat ng tingin. “Starting today, Kuya Bert will drive you to your cl
Última actualización : 2026-10-19 Leer más