Ang tunog ng tinidor ni Defne na tumama sa porcelain plate ay parang isang malakas na alarm sa pandinig ni Ayla. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang baso ng tubig, ramdam ang biglaang pagbaba ng temperatura sa loob ng kusina. Tinitigan ni Emin ang kanyang anak, naghihintay ng sagot na may kasamang seryoso at mapanuring mga mata."Emin naman, kumakain ang bata, tinatanong mo tungkol sa trabaho," natatawang singit ni Meryem, sinusubukang i-lighten up ang atmosphere habang naglalagay ng karagdagang kanin sa plato ng kanyang asawa. "Hayaan mo muna si Defne. Ang mahalaga, napansin ang gawa niya ng mga kakilala mo.""Gusto ko lang malaman, Meryem," banayad ngunit matigas ang tono ni Emin. Hindi nito inalis ang tingin sa anak. "Para sa isang art student, ang bawat painting ay may kuwento. At ang kuwentong 'yon ay hindi dapat nagtatago ng kung anong kahihiyan. Defne, sino ang inspirasyon mo roon?"Huminga nang malalim si Defne. Inayos niya ang pagkakatali ng kanyang mahabang buhok, dahan-dah
Last Updated : 2026-10-22 Read more