KAIRA POVHuminto ang taxi sa tapat ng Legaspi Tower sa BGC. Pagkababa ko, bumalik na naman ang pakiramdam na para akong kusang naglalakad papunta sa sarili kong hukay. Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang patak ng ulan at malamig na hanging sumalubong sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot ang pamasahe sa driver, bago ako mabilis na pumasok sa malaking glass door ng building.Naka-oversized black hoodie pa rin ako, at nakatakip ang hood sa kalahati ng mukha ko para hindi ako makilala ng security guard sa lobby. Buti na lang at mukha akong basang sisiw sa itsura ko kaya hindi na siya masyadong nagtanong nang sabihin kong may appointment ako sa top floor.Pagpasok ko sa elevator, napapikit ako habang pinapanood ang pag-akyat ng mga numero sa digital display: 10, 25, 40, 50. Habang tumataas ang elevator, lalo ring bumibilis ang tibok ng puso ko. Kambal ni Vaughn si Vance, pero habang papalapit ako sa kanya, pakiramdam ko ay pumapasok ako sa teritoryo ng isang gutom na
Huling Na-update : 2026-10-20 Magbasa pa