------"Kailan ba ang flight mo?" Tanong ni Jake kay Khent nang nasa parking lot na sila pero hindi pa rin sila lumalabas sa sasakyan.Nananatili lang si Khent na nakatingin sa harapan habang kagat ang hinlalaki at nakapatong ang siko malapit sa bintana.Bumuntong-hininga si Khent at hinarap ang pinsan. Ngayon lang niya napagtanto na hindi nga pala ito nakapagbihis dahil sa pagmamadali kanina. Naka-shorts lang ito pantulog na pinaresan ng puting sandong pantulog at may medyas pang nakasuot sa paa, magulo ang buhok, may laway pa sa gilid ng bibig na bahagya pang natuyo, at may maliliit pang mga tuyong muta sa magkabilang gilid ng mga mata.Seriously, pakiramdam niya para siyang may tutang kasama na walang alaga sa mismong amo nito.Ngayon pa niya ito nakikitang ganito dahil hindi ito lumalabas noon sa sariling kwarto kapag hindi pa naging kompleto ang skin care routine nitong gagawin sa umaga."Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Ngayon mo pa ba ako nami-miss gayong aalis ka na?" Pang-
Last Updated : 2026-10-21 Read more