"Ano kamo?! Power?!"Agad na sinalo ni Khent ang mga tsinelas na mabilis at sunud-sunod na nagliliparan papunta sa kanya.Kakapasok pa lamang niya sa bahay ay sigaw agad nito ang sumalubong sa kanya. Samantalang sina Mrs. Santiago, Jake, Manong Lito at Manang Lisa naman ay nasa labas ng bahay nagtambay."Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa amin ng anak mo, Khent. Aalis kami agad dito para bumalik sa'yo lahat ng powers na hinihiling mo sa bahay na to.""Gab, please calm down. Nakakasama sa bata.""Tumahimik ka!" Bato ulit ni Gab ng isa pang tsinelas kay Khent ngunit di yun nakita ni Khent kaya tumama yun sa kanyang noo."Ah!" Daing niya saka napahawak sa kanyang kanang mata.Natigilan naman agad si Gab at napalitan ng pag-aalala sa mukha saka dali-daling nilapitan si Khent."Khent, okay ka lang? Pasensiya na. Hindi ko sinasadya." Sobrang pag-aala na sabi ni Gab at nagsimula ng umiyak."I'm okay. Napuwing lang ako."Natigilan si Gab saka tinitigan si Khent bago dahan-dahang lumungkot ang
Last Updated : 2026-10-21 Read more