AMARA'S POVMay tatlong bagay akong napagtanto ngayong gabi...Una, hindi lahat ng may magandang boses ay safe kausap.Pangalawa, kapag tinitigan ka ng boss mong parang nakikita pati kaluluwa mo, RUN.At pangatlo, ang pagkakagusto ay parang sipon. Bigla na lang dumarating kahit hindi mo hinihingi. Kahit anong pigil mo, wala kang magagawa. At kapag tinamaan ka na, good luck na lang sa'yo dahil minsan, wala talagang gamot.Kinabukasan, maaga pa lang, gising na ako. Hindi dahil masipag ako, kundi dahil nanaginip akong hinahabol ako ng mga kalaban ni Boss habang suot ko pa rin ang maid uniform ko.Classic stress dream.Ang nakakainis pa, pati tulog ko, hindi na ako tinatantanan ng problema. Habang nagpapahinga ang katawan ko, ang utak ko naman gumagawa ng sarili niyang action movie. Tapos 'yung alarm clock ko, parang kasabwat pa sa horror marathon na 'yon.Habang nagwawalis ako sa hallway, biglang lumapit si Ate Liza. Half-serious, half-paranoid ang mukha niya. Parang gusto niyang sabihin
Last Updated : 2026-10-21 Read more