Hindi pa rin mapakali si Lira kahit ilang oras na ang lumipas mula nang dukutin si Arturo sa harap mismo ng kanilang gate. Paulit-ulit niyang naiisip ang takot sa mukha ng lalaki bago ito sapilitang isinakay sa van. Hindi niya alam kung nasaan na ito ngayon o kung buhay pa ba ito. Ang mas ikinababahala niya, may taong nakaaalam sa bawat hakbang nila at tila laging nauuna sa kanila.Nasa sala siya nang bumaba sina Yohan, Jace, Caleb, Silas, at Lucian mula sa security room. Halatang seryoso ang lahat. May hawak na folder si Jace, habang si Yohan naman ay may kausap pa sa telepono. Nang matapos ang tawag nito, inilapag niya ang cellphone sa mesa at humarap kay Lira.“May nakausap na akong mga tao na puwedeng tumulong sa paghahanap kay Arturo. Naipasa na rin natin sa mga awtoridad ang recording mula sa gate, pati ang impormasyon tungkol sa van at sa itim na sedan. Hindi pa natin alam kung sino ang mga kumuha sa kaniya, pero ginagawa na nila ang lahat para matukoy kung saan dumaan ang mga
آخر تحديث : 2026-10-26 اقرأ المزيد