Meanwhile, hindi alam ni King Lex kung ano ang gagawin.Gusto niyang pigilan ang babae, pero hindi niya magawa. Natulos lang siya sa kinatatayuan niya.Gusto niyang magsalita. Yakapin ito.Pero wala siyang masabi.Habang lumalakad ito palayo sa kanya, pakiramdam niya unti-unting bumabawas ang buhay niya.Nang makalabas na ito ng bahay nila, napaupo siya sa sahig at natulala.Pero mabilis din siyang tumayo nang marinig ang huni ng kotse.Mula sa kwarto nila, tanaw niya ang kotseng sinasakyan ni Queen.Gusto niyang bumaba at pigilan ito, pero wala naman siyang mairason.Lumipas ang isang linggo.Pakiramdam ni King Lex, talaga ngang nawala ang kalahati ng buhay niya.Wala siyang ganang kumain. Ganoon din sa trabaho.Nakakulong lang siya sa kwarto nila ni Queen, yakap-yakap ang unan ng babae.Inaalala niya ang mga halakhak nito, ang lambingan nila sa loob ng silid na iyon.Mula nang umalis ang babae, hinahanap-hanap na niya ang lambing nito-ang ngiti, ang luto, ang amoy, at ang pag-aalaga
Última atualização : 2026-10-22 Ler mais