Buong gabing hindi nakatulog ng maayos si Ylaine, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitawan ng asawa niya. Magkakaroon na ito ng anak sa ibang babae, ang masakit pa hindi lang basta ibang babae ang tinutukoy nito. Isa itong babaeng lumaki sa pamilya ni Mike, ang ampon ng mismong tiyan nito. Mula pagkabata, magkasama silang kumain, naglaro, at dumalo sa mga pagtitipon ng pamilya. Sa mata ng lahat, para silang tunay na magpinsan.Paano nila nagawang gawin iyon? Paano nagawa ni Mike na sirain ang kanilang pagsasama para sa isang relasyong alam niyang ikagugulat at ikasasakit ng sarili niyang pamilya? Hindi man lang ba nila naisip ang iisipin ng pamilya nila?At bakit parang siya pa ang kailangang mag-adjust?Napatingin si Ylaine sa singsing sa kanyang daliri. Tatlong taon na niya itong suot, umaasang balang araw ay magiging totoo rin ang pagmamahal na ipinangako ng kanilang kasal.Ngayon, parang wala na itong halaga.“Ma’am Ylaine, ready na po ang sasakyan,” ana
Last Updated : 2026-10-26 Read more