Pagsapit ng hapon, umuwi si Ylaine na mabigat pa rin ang dibdib. Tahimik ang bahay, wala na naman ang asawa niya. Wala rin siya natanggap na mensahe mula rito mula nang umalis ito kaninang umaga. Nagpalit na siya ng pambahay at naupo sa sofa, kinuha niya ang cellphone at binuksan ang kanilang mga lumang picture. May mga litrato sila noong araw ng kanilang kasal. Sa bawat kuha, maayos ang suot ni Mike, pero hindi niya maalala kung minsan ba itong ngumiti nang totoo habang magkasama sila.Sa isang litrato, nakatingin siya sa asawa habang nakaharap naman ito sa camera.Noon, inisip niyang baka nahihiya lamang si Mike. Pero ngayon, alam na niyang hindi lang talaga nito gustong maikasal sa kanya. Dahan-dahan niyang binaba ang kanyang cellphone bago kinausap ang sarili. "Hanggang kailan ba ako kakapit?" bulong niya.Walang sumagot, dahil miski siya ay hindi niya alam ang sagot. At sa katahimikang iyon, unang beses niyang tinanong ang sarili kung ang pagmamahal ba niya kay Mike ay sapat
Huling Na-update : 2026-10-24 Magbasa pa