Chapter 3Hindi pa nakakalimutan ni Yrish ang gabing iyon, sa Okada sa presidential suite. Walang ibangtao at tahimik ang buong silid. Tanging ang malamig na halimuyak ng pabango at matamis naamoy ng wine ang nakapaligid sa kanila.Dala ng kalasingan, umupo ang babae sa kandungan ni Damien. Sa ilalim ng ilaw kitang-kitaniya kung gaano ka-gwapo ang lalaki. Tinitigan niya ito, sa isang tingin pa lang ay mabilis nangtumibok ang puso ni Yrish.Mainit ang kanyang hininga habang dumadampi sa leeg ng lalaki, namumula ang kanyangmukha dahil sa alak sa sistema ng katawan niya.“Cross…Damien Cross…”Nakasandal ang lalaki sa sofa, hinawakan niya ang makitid na baywang ng babae at tumingalaupang pagmasdan ang namumulang mukha nito.“Lasing ka na ba?”“Hhmm…lasing na ata ako.” mahina at malambing sisyang tumango, lumitaw naman angdalawang dimples niya nang ngumiti siya bago nagsalita,“Pahingi akong kiss.”“Kiss? Paano?” tanong ng lalaki, kahit alam na alam naman niya ang ibig sabihin nito.
Última actualización : 2026-10-23 Leer más