Share

Chapter 4

Author: Velmora
last update publish date: 2026-10-23 11:09:56

Chapter 4

Malamig at walang bahid ng emosyon ang boses ng lalaki.

Napabalik sa kanyang sarili ang babae dahil sa boses ng lalaki, sumakay na siya sa loob ng

sasakyan. Mas pinili niyang umupo sa pinakang dulo malapit sa p***o.

Ang buong sasakyan ay nababalot ng amoy ni Damien, nakadagdag iyon sa mabigat at

nakapangingilabot na presensya nito.

Sa gilid ng kanyang paningin, nakita niyang nakasandal ito nang komportable sa upuan,

bahagyang nakatiklop ang mga binti nito. Makinis ngunit matalim naman ang hugis ng panga ng

lalaki, napaka gwapo ng kanyang side profile. Isang uri ng kagwapuhan na tila may sariling

kapangyarihang manakot at mang-akit ng tao.

“Ganyan ka na talaga ngayon?”

Bahagyang gumalaw ang manipis niyang mga labi. Walang pagbabago sa tono ng kanyang

boses. Tila dumaan ang boses nito sa mismong puso ni Yrish, bahagya siyang nanginig at

yumuko na lamang at hindi sumagot.

Parang hindi nagustuhan ng lalaki ang kanyang naging reaksyon, tiningnan niya ito mula sa

gilid ng kanyang mga mata.

“Dalawang taon ka lang nag ibang bansa, nakalimutan mo na bang bumati ng maayos sa mga

tao?”

Alam ni Yrish kung gaano kasakit magsalita ang lalaki, tanging tuwing hinahalikan lamang siya

nito nagiging matamis ang kanyang mga salita. Hindi rin napigilan ng babae ang kanyang sarili,

sinagot niya na ang lalaki.

“Ano bang pinuputok ng butsi mo? Eh hindi ba sabi mo kanina, hindi mo ako kilala?”

Bahagyang natawa ang lalaki sa kanyang narinig, ngunit walang init ang tawa nito.

“Wow, marunong ka na rin pala magtanim ng sama ng loob. Sayang lang ang pagpapalaki ko

sayo.”

Bahagyang kinuyom ng babae ang kanyang kamay, oo nga pala. Si Damien ang halos

nagpalaki sa kanya, paano naman nila magagawang mag kunwaring hindi sila magkakilala?

Paano nila basta-basta mapuputol ang kanilang ugnayan na matagal nang nakabaon sa

kanilang pagkatao?

Lumingon siya sa lalaki at ngumiti nang matamis.

“Kuya Damien, long time no see.” Dalawang taon na ang lumipas, ngayong lang muling tinitigan ng babae nang harapan ang

mukha ng lalaki.

Nakasuot siya ng itim na suit na walang kurbata. Bahagyang nakabukas ang kuwelyo ng

kanyang puting polo, kaya litaw ang maayos na kurba ng kanyang leeg at ang kaakit-akit na

Adam's apple niya.

Sa ganoong kaswal na pananamit, halatang wala siyang gaanong pakialam sa imbitasyon ni

Joshua ngayong araw. Ni hindi nga niya ito gaanong sineseryoso.

Alam na niya iyon. Napakapihikan at napakahirap pakisamahan ni Damien. Paano pa kaya siya

makukumbinsi ni Joshua?

Kung ganoon, mawawalan na ng pag-asa si Ate Monica.

Hindi siya sinagot ng lalaki, sa halip itinuon nito sa kanya ang matatalim na mata na parang sa

isang agila.

“Kailan ka pa bumalik?” malamig na tanong ng lalaki.

Nagtama ang kanilang mga mata, sa isang iglap nagulo na ang paghinga ni Yrish at muling

hinihila siya sa damdaming pilit niyang nilalayuan.

Mabilis niyang iniwas ang kanyang tingin at hindi na muling tumingin sa lalaki.

Tapat siyang sumagot, “Ngayong hapon lang ako dumating.”

Maayos na umusad ang sasakyan at sumama sa dagsa ng mga sasakyan sa kalsada.

“Saan ka titira?” tanong muli ng lalaki.

“Sa hotel.”

Binanggit ng babae ang pangalan ng hotel, marahil ay likas pa rin siyang nag-aalalang magalit

ang lalaki kaya naman nagdagdag pa siya ng paliwanag.

“Hindi pa kasi ako nakakahanap ng matitirhan.”

Gaya ng inaasahan, bahagyang napakunot ng noo ang lalaki. Lalong lumalim ang boses nito

nang magtanong, “Hindi ka uuwi?”

Hindi matukoy ni Yrish kung aling bahay ba ang tinutukoy nito, ang bahay ng mga Montefalco o

ang sariling bahay ni Damien?

Mula nang sampung taong gulang siya, sa mga Montefalco siya nanirahan. Inalagaan siya ng

mga nito hanggang sa umabot siya sa hustong edad. Sa ngayon, hindi na yata angkop na

bumalik pa rin siya roon. Samantala, mula nang mag eighteen siya, dalawang buong taon siyang nanirahan kasama ni

Damien.

Sa sariling bahay nito nakabaon ang pinaka matatamis niyang alala, ngunit naroon din ang

pagmamahal niyang tinuring niyang kahiya-hiya.

Nandoon ang mga araw at gabing magkasama sila, malapit sa isa’t isa malambing at tila hindi

kayang maghiwalay.

Ngumiti siya nang matamis at pabirong sumagot, “parang hindi naman na ata magandang idea

‘yon.”

Tila wala ng pasensya ang lalaki para magtanong pa, iisa lamang ang naging sagot nito.

“Bahala ka.”

Muling binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan, naging kakaiba ang tensyon sa pagitan

nila.

Habang nagmamaneho, ramdam din ni Sidney ang malamig na atmosphere na bumabalot sa

loob ng kotse. Likas na madaling lamigin si Yrish, noon tuwing sumasakay ito sa kotse ni

Damien palaging pinapaalala ng lalaki kay Sidney na ibaba ang temperature ng aircon.

Hindi pa naman panahon para gumamit ng heater, ngunit naisip ng driver na baka nilalamig na

ang babae. Kaya naman tahimik niyang binuksan ang pampainit ng sasakyan.

Patuloy na umaatras ang tanawin ng gabi sa labas ng bintana. Napakabilis ng takbo ng

sasakyan kaya halos hindi na makilala ang mga nadaraanan nila.

Tumagos sa bintana ang iba't ibang kulay ng mga ilaw sa lungsod at tumama sa likurang upuan,

na tila naghati sa dalawang taong naroon sa magkaibang mundo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love    Chapter 5

    Chapter 5Maluwang ang likurang bahagi ng sasakyan, magkalayo ang upi nilang dalawa. Para bang maymalalim na bangin sa pagitan nila na walang sinuman ang kayang tawirin. Tanginin ang mgailaw na pumapasok sa bintana ang namamagitan sa kanila.Gayunman, malinaw na malinaw pa rin sa alaala ni Yrish kung ilang beses niyang nahalikanang lalaki sa likuran ng sasakyang ito sa loob ng dalawang taon. Sa madilim na bahagi ngkotse, bahagyang dumilat ang lalaki. Palihim niyang pinagmasdan ang babae gamit angmalalim niyang mga mata.Mula sa maganda nitong side profile, bumaba ang kanyang tingin sa mahaba at kulot nitongbuhok na nakalaylay sa likod. Unti-unting dumulas ang kanyang mga mata pababa.Simple lamang ang suot nitong spaghetti-strap na damit. Litaw ang maninipis nitong mga brasoat binti, na lalong pinatingkad ng liwanag na tumatagos sa bintana. Makinis at maputi angkanyang balat.Dumako ang tingin ng lalaki sa makitid nitong baywang na halos magkasya sa isang kamay.Kapag napapaso

  • The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love    Chapter 4

    Chapter 4Malamig at walang bahid ng emosyon ang boses ng lalaki.Napabalik sa kanyang sarili ang babae dahil sa boses ng lalaki, sumakay na siya sa loob ngsasakyan. Mas pinili niyang umupo sa pinakang dulo malapit sa pinto.Ang buong sasakyan ay nababalot ng amoy ni Damien, nakadagdag iyon sa mabigat atnakapangingilabot na presensya nito.Sa gilid ng kanyang paningin, nakita niyang nakasandal ito nang komportable sa upuan,bahagyang nakatiklop ang mga binti nito. Makinis ngunit matalim naman ang hugis ng panga nglalaki, napaka gwapo ng kanyang side profile. Isang uri ng kagwapuhan na tila may sarilingkapangyarihang manakot at mang-akit ng tao.“Ganyan ka na talaga ngayon?”Bahagyang gumalaw ang manipis niyang mga labi. Walang pagbabago sa tono ng kanyangboses. Tila dumaan ang boses nito sa mismong puso ni Yrish, bahagya siyang nanginig atyumuko na lamang at hindi sumagot.Parang hindi nagustuhan ng lalaki ang kanyang naging reaksyon, tiningnan niya ito mula sagilid ng kanyang

  • The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love    Chapter 3

    Chapter 3Hindi pa nakakalimutan ni Yrish ang gabing iyon, sa Okada sa presidential suite. Walang ibangtao at tahimik ang buong silid. Tanging ang malamig na halimuyak ng pabango at matamis naamoy ng wine ang nakapaligid sa kanila.Dala ng kalasingan, umupo ang babae sa kandungan ni Damien. Sa ilalim ng ilaw kitang-kitaniya kung gaano ka-gwapo ang lalaki. Tinitigan niya ito, sa isang tingin pa lang ay mabilis nangtumibok ang puso ni Yrish.Mainit ang kanyang hininga habang dumadampi sa leeg ng lalaki, namumula ang kanyangmukha dahil sa alak sa sistema ng katawan niya.“Cross…Damien Cross…”Nakasandal ang lalaki sa sofa, hinawakan niya ang makitid na baywang ng babae at tumingalaupang pagmasdan ang namumulang mukha nito.“Lasing ka na ba?”“Hhmm…lasing na ata ako.” mahina at malambing sisyang tumango, lumitaw naman angdalawang dimples niya nang ngumiti siya bago nagsalita,“Pahingi akong kiss.”“Kiss? Paano?” tanong ng lalaki, kahit alam na alam naman niya ang ibig sabihin nito.

  • The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love    Chapter 2

    Chapter 2Hindi naging mahirap ang pagpasok ni Yrish sa The Revel, hindi niya pinansin ang gulat natingin ng mga staff at diretso lang siyang naglakad sa loob.Tiningnan niya sa kanyang cellphone ang isang message kung saang VIP table ang kanyangpupuntahan. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi, walang naging hadlang sapagpunta niya sa VIP area.Pagdating niya sa VIP area, narinig niya na ang tawanan at masayang kwentuhan mula rito.Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naman malinaw na umaabot sa labas ang mga boses.Maraming tao sa loob, nang itutulak na niya ang pinto, narinig niya ang isang usapan na tungkolsa kanya. Dahil dito, natigil ang kanyang kamay sa paghawak ng door knob.“Benjamin, hindi ba ngayon ang pagbabalik ng fiancé mo? Bakit hindi mo siya sinundo?”“Ha? Anong sinundo? Ni hindi nga nagpadala ng driver ang Benjamin natin!”“Bakit ko naman siya susunduin? Sino ba siya?” malamig at mayabang na sagot ng lalaki. Saglititong tumigil bago muling nagsalita na puno n

  • The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love    Chapter 1

    Chapter 1 “Nasan ka na ba? Alam mo ba na nalaman ko habang nakikipag-usap ako sa boss ng Montefalco Media tungkol sa partnership natin? Yung walang kwenta mong jowa, aba sige lingkis sa arista nilang si Jasmine habang papunta sila sa Revel sa BGC! Alam mo ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘yon! Biruin mo ha, ikakasal na kayo pero kung sinu-sinong artista pa rin ang nilalandi niya!” Kabababa pa lang ni Yrish ng eroplano nang tawagan siya ng bestfriend niyang si Monica, halata sa boses nito ang galit na parang sasabog na ang ulo sa inis. Sa sobang galit nito, halos napamura na ang babae. “Wala man lang hiya! Kapal ng mukha ha! Hiwalayan mo na nga iyan!” Si Benjamin ay anak ng may isa ng isang malaking real estate company sa Manila. Kilala siya sa pagiging casanova at isa sa mga pinakakilalang playboy sa business circle. Siya ang tagapagmana ng kanyang ama, kilala siya sa pagiging iresponsable at babaero. Ngunit kahit na ganun ay maraming artista at social m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status