Share

Chapter 2

Author: Velmora
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-23 11:09:47

Chapter 2

Hindi naging mahirap ang pagpasok ni Yrish sa The Revel, hindi niya pinansin ang gulat na

tingin ng mga staff at diretso lang siyang naglakad sa loob.

Tiningnan niya sa kanyang cellphone ang isang message kung saang VIP table ang kanyang

pupuntahan. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi, walang naging hadlang sa

pagpunta niya sa VIP area.

Pagdating niya sa VIP area, narinig niya na ang tawanan at masayang kwentuhan mula rito.

Bahagyang nakabukas ang p***o kaya naman malinaw na umaabot sa labas ang mga boses.

Maraming tao sa loob, nang itutulak na niya ang p***o, narinig niya ang isang usapan na tungkol

sa kanya. Dahil dito, natigil ang kanyang kamay sa paghawak ng door knob.

“Benjamin, hindi ba ngayon ang pagbabalik ng fiancé mo? Bakit hindi mo siya sinundo?”

“Ha? Anong sinundo? Ni hindi nga nagpadala ng driver ang Benjamin natin!”

“Bakit ko naman siya susunduin? Sino ba siya?” malamig at mayabang na sagot ng lalaki. Saglit

itong tumigil bago muling nagsalita na puno ng panghahamak.

“Kung hindi lang naman dahil sa uncle niya na laging sunod-sunuran ang ama ko at ginagawa

ang lahat ng ipinapagawa nito, wala siyang karapatang pumasok sa pamilya namin.

“May point ka rin naman, nabalitaan ko nga rin na ulila na pala siya. Dalawang taon pa lang siya

siya kinikilala ulit ng mga Montefalco, tapos ngayon agad na siyang ipapakasal sa isang

Tuazon. Hindi ba malinaw na gusto lang nila sa yaman at kapangyarihan natin?

Agad na sumang-ayon ang isa pa.

“Madaling kontrolin ang babaeng walang pamilyang sumusuporta sa kanya. Kahit ano ang

ipagawa mo, susunod lang siya. Wala man lang sariling paninindigan.”

“Tumpak ka dyan! Hindi na nga mabilang kung ilang beses mo siyang niloko eh. Kung ibang

babae iyon, matagal na sana itong umuwi para lang kausapin ka. Pero siya? Nagtatago lang sa

ibang bansa na parang pagong, ni reklamo wala!”

“Hey…” isang malambing at malambot na boses ang biglang sumingit. “Hindi ba masama na

pag-usapan ng ganyan ang isang babae?”

“Ano namang masama roon? Eh hindi ka nga niya mapantayan kahit sa isang hibla ng buhok

eh. Dapat lang sa kanya ang mapag usapan.”

Pagkasabi ni Benjamin niyon, agad siyang yumuko at hinalikan si Jasmine. Hinawakan niya ang

baywang nito at hinila upang maupo sa kanyang kandungan. Mahina itong tumawag bago bumulong, “Bakit kasi ayaw mo akong pakasalan para naman

maging Mrs. Tuazon ka na.”

“Ayaw ko nga.” mapang-akit na ngiti ang binigay ng babae habang marahang tinuturo ang

dibdib ng lalaki gamit ang isang daliri. “Ang boring kaya mag-asawa.”

Lalo lamang nitong pinukaw ang pagnanais ni Benjamin na mapasakanya ang babae. Niyakap

niya si Jasmine at hinalikan muli ito.

Natigilan sila sa ginagawa nila nang makarinig sila ng magkakasunod na palakpakan. Kasabay

ng malinaw na tunog ng palakpakan, narinig nila ang pagbukas ng p***o at tunog ng isang

takong.

Lahat sila ay napalingon, at nang makita nila kung sino ang pumasok lalo silang natigilan. Nag

mistula silang estatwa dahil wala ni isa sa kanila ang gumagalaw.

Napanganga ang mga tao sa loob ng VIP room, ibang klase ang ganda ng babaeng pumasok.

Isang gandang hindi maipaliwanag.

“Y-yrish?”

Sa totoo lang, sa picture pa lang nakikita ni Benjamin ang babaeng in-arrange sa kanya.

Ngayon na kaharap na niya ito, saka niya napansin kung gaano ito kaganda sa personal.

Maputi at makinis ang balat nito, mahaba ang tuwid ng mga binti, at perpekto ang hugis ng

mukha. Halos walang makeup ang babae, ngunit mas nakakamangha ang kanyang itsura

kaysa sa picture.

Maging si Jasmine na isang sikat na artista, ay tila nawalan ng kinang sa tabi niya.

“Wow! Nakakakilig naman ang eksenang ito!”

Bahagyang kumislap ang mga mata ni Yrish. Lumitaw ang kanyang mga dimples nang siya ay

ngumiti, bagay na bagay sa kanya ang kanyang pangalan.

“Akalain niyo yun, ang fiancé ko. Nahuli kong may ibang babae sa kandungan niya.”

Biglang natahimik ang buong silid, agad na tinulak ng lalaki si Jasmine. Ang salitang pagloloko

ay hindi basta-basta pwedeng kumalat sa publiko, kapag nangyari iyon malaking kahihiyan ang

idudulot nito sa mga Tuazon.

Maging ang career ni Jasmine ay maaaring masira dahil dito. Agad na tumayo ang lalaki,

naging malamig ang kanyang mukha.

“Kailan ka pa nandito?” malamig niyang tanong. “Hhhmm wait iisipin ko lang…siguro dun sa part na sinabi nila na bakit nga ba hindi mo ako

sinundo?”

Kasabay nito ay tinaas niya ang cellphone na hawak niya.

“The exciting part is, nakuhaan ko ng video ang lahat ng pinag usapan niyo. Is it amazing?”

Biglang dumilim ang mukha ng lalaki, muling ngumiti ang babae na para bang walang anumang

problema.

“Mr. Tuazon, ano ang pipiliin mo? Ang makipaghiwalay ka sa akin, o ang ipahiya ko kayo sa

lahat ng tao? Take your pick.”

Napakagat ng labi ang lalaki, halatang hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

“Gusto mo makipaghiwalay?”

Ngumiti ng nakakaloko ang lalaki.

“Ano na naman ba tong trip mo? Ano strategy ba ito? Tinatakot mo ako para ikaw lang ang

maging babae ko?”

Mapangahas niyang pinagmasdan ang magandang mukha ni Yrish, pababa sa dibdib nito at

makitid nitong baywang

Sa isip ng lalaki, sa ganitong katawan ng babae tiyak na masarap itong makasama sa kama.

“Pero sige pwede rin naman, nakangiting sabi niya. “Kung magiging masunurin ka lang at

aalagaan mo ako ng mabuti, baka pagisipan ko—”

Hindi pa man siya tapos magsalita, isang baso ng alak ang biglang tumalsik sa kanyang mukha.

Basang-basa ang mukha nito dahil sa alak na tinapon sa kanya ng babae.

“Yrish!”

Binaliktad ni Yrish ang baso at inilapag iyon sa mesa, malinaw ang tunog ng pagkakabangga

nito sa ibabaw. Saka siya ngumiti nang pagkatamis-tamis.

“Ang mapapangasawa kong babaero ay parang pusa na inheat palagi. Nakakababa ng

pagkatao ang makasama ang isang katulad mo.”

Bahagya siyang nagtaas ng kilay habang muling itinataas ang cellphone. Malinaw ang banta sa

kanyang kilos.Pagtalikod niya, narinig niya ang malakas na pagbagsak at pagkabasag ng isang

baso sa sahig.

Pagkatapos ay mabilis na lumabas ang babae sa VIP area habang naglalakad, nagpadala siya

ng message. Yrish: Tapos na ang mission, ipapadala ko sayo ang bayad. Sisikapin ko ring makuha ang

pangunahing papel sa susunod na script.

Maya-maya, may pumasok sa kanyang mensahe.

Jasmine: Ate Yrish! Grabe ang galing mo! Nagwala si Benjamin, hahanap na ako ng dahilan

para makaalis ako dito.

Napatingin ang babae sa message at napangiti. Kung gusto pa ng mga Tuazon na palakihin

ang kanilang negosyo at umangat sa lipunan, hindi nila maaaring hayaang kumalat ang

ganitong klase ng balita.

Tiyak na magagalit si Benjamin pag kumalat ito. Hindi madaling i-cancel ang arrange marriage

na inayos para sa kanila. Kaya nagplano siya kung paanong ang lalaki mismo ang aatras sa

kasal.

Tinago na niya ang kanyang cellphone nang may bigla siyang nakita, isang pares ng mahaba at

tuwid na binti. Hindi na siya nakatigil, agad siyang bumangga sa dibdib ng isang lalaki.

Mabilis siyang umatras, isang pamilyar na amoy ang agad na sumalubong sa kanyang ilong.

Biglang nanigas ang babae, saglit na tumigil ang tibok ng kanyang puso. Na para bang namuo

ang yelo sa kanyang mga ugat.

Ang kaninang tapang at kayabangan na pinakita niya kanina ay biglang naglaho na parang

bula. Hindi siya nangahas na tumingala para tignan ang mukha ng lalaki.

Ang mainit na dampi sa kanyang noo kanina ay tila muling bumalik sa kanyang alaala,

gumagapang sa kanyang puso na para bang libo-libong langgam ang kumakagat dito.

Matigas ang dibdib ng lalaki, malinaw ang hubog ng mga kalamnan nito. Nahawakan na niya

ang dibdib na iyon noon. At hanggang ngayon, hindi pa rin niya nakakalimutan ang

pakiramdam. Muling bumaba ang tingin niya sa binti ng nasa harap niya.

Noon, para siyang isdang halos mamatay sa kakulangan ng tubig. Hindi siya mapakali hangga't

hindi niya naaamoy ang bawat bahaging may natatanging halimuyak ng lalaki. Gusto niya itong

angkinin ng buo, na para bang nais niyang lamunin ito at isama sa kanyang mga buto.

Minahal niya ito nang labis-labis, hanggang sa puntong halos mabaliw na siya.Ngunit dalawang

segundo lamang huminto ang mahahabang binti sa harap niya.Pagkatapos, kalmado at walang

anumang pag-aalinlangan, dumaan ang lalaki sa kanyang tabi at nagpatuloy sa paglalakad.

“Damien, magkakilala kayo?” Isang hindi pamilyar na boses ng lalaki ang nagtanong.

Kasunod nito, narinig ng babae ang malamig ngunit tamad at tila walang pakialam na boses ng

lalaking matagal na niyang hindi naririnig.

“Hindi ko siya kilala.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love    Chapter 5

    Chapter 5Maluwang ang likurang bahagi ng sasakyan, magkalayo ang upi nilang dalawa. Para bang maymalalim na bangin sa pagitan nila na walang sinuman ang kayang tawirin. Tanginin ang mgailaw na pumapasok sa bintana ang namamagitan sa kanila.Gayunman, malinaw na malinaw pa rin sa alaala ni Yrish kung ilang beses niyang nahalikanang lalaki sa likuran ng sasakyang ito sa loob ng dalawang taon. Sa madilim na bahagi ngkotse, bahagyang dumilat ang lalaki. Palihim niyang pinagmasdan ang babae gamit angmalalim niyang mga mata.Mula sa maganda nitong side profile, bumaba ang kanyang tingin sa mahaba at kulot nitongbuhok na nakalaylay sa likod. Unti-unting dumulas ang kanyang mga mata pababa.Simple lamang ang suot nitong spaghetti-strap na damit. Litaw ang maninipis nitong mga brasoat binti, na lalong pinatingkad ng liwanag na tumatagos sa bintana. Makinis at maputi angkanyang balat.Dumako ang tingin ng lalaki sa makitid nitong baywang na halos magkasya sa isang kamay.Kapag napapaso

  • The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love    Chapter 4

    Chapter 4Malamig at walang bahid ng emosyon ang boses ng lalaki.Napabalik sa kanyang sarili ang babae dahil sa boses ng lalaki, sumakay na siya sa loob ngsasakyan. Mas pinili niyang umupo sa pinakang dulo malapit sa pinto.Ang buong sasakyan ay nababalot ng amoy ni Damien, nakadagdag iyon sa mabigat atnakapangingilabot na presensya nito.Sa gilid ng kanyang paningin, nakita niyang nakasandal ito nang komportable sa upuan,bahagyang nakatiklop ang mga binti nito. Makinis ngunit matalim naman ang hugis ng panga nglalaki, napaka gwapo ng kanyang side profile. Isang uri ng kagwapuhan na tila may sarilingkapangyarihang manakot at mang-akit ng tao.“Ganyan ka na talaga ngayon?”Bahagyang gumalaw ang manipis niyang mga labi. Walang pagbabago sa tono ng kanyangboses. Tila dumaan ang boses nito sa mismong puso ni Yrish, bahagya siyang nanginig atyumuko na lamang at hindi sumagot.Parang hindi nagustuhan ng lalaki ang kanyang naging reaksyon, tiningnan niya ito mula sagilid ng kanyang

  • The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love    Chapter 3

    Chapter 3Hindi pa nakakalimutan ni Yrish ang gabing iyon, sa Okada sa presidential suite. Walang ibangtao at tahimik ang buong silid. Tanging ang malamig na halimuyak ng pabango at matamis naamoy ng wine ang nakapaligid sa kanila.Dala ng kalasingan, umupo ang babae sa kandungan ni Damien. Sa ilalim ng ilaw kitang-kitaniya kung gaano ka-gwapo ang lalaki. Tinitigan niya ito, sa isang tingin pa lang ay mabilis nangtumibok ang puso ni Yrish.Mainit ang kanyang hininga habang dumadampi sa leeg ng lalaki, namumula ang kanyangmukha dahil sa alak sa sistema ng katawan niya.“Cross…Damien Cross…”Nakasandal ang lalaki sa sofa, hinawakan niya ang makitid na baywang ng babae at tumingalaupang pagmasdan ang namumulang mukha nito.“Lasing ka na ba?”“Hhmm…lasing na ata ako.” mahina at malambing sisyang tumango, lumitaw naman angdalawang dimples niya nang ngumiti siya bago nagsalita,“Pahingi akong kiss.”“Kiss? Paano?” tanong ng lalaki, kahit alam na alam naman niya ang ibig sabihin nito.

  • The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love    Chapter 2

    Chapter 2Hindi naging mahirap ang pagpasok ni Yrish sa The Revel, hindi niya pinansin ang gulat natingin ng mga staff at diretso lang siyang naglakad sa loob.Tiningnan niya sa kanyang cellphone ang isang message kung saang VIP table ang kanyangpupuntahan. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi, walang naging hadlang sapagpunta niya sa VIP area.Pagdating niya sa VIP area, narinig niya na ang tawanan at masayang kwentuhan mula rito.Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naman malinaw na umaabot sa labas ang mga boses.Maraming tao sa loob, nang itutulak na niya ang pinto, narinig niya ang isang usapan na tungkolsa kanya. Dahil dito, natigil ang kanyang kamay sa paghawak ng door knob.“Benjamin, hindi ba ngayon ang pagbabalik ng fiancé mo? Bakit hindi mo siya sinundo?”“Ha? Anong sinundo? Ni hindi nga nagpadala ng driver ang Benjamin natin!”“Bakit ko naman siya susunduin? Sino ba siya?” malamig at mayabang na sagot ng lalaki. Saglititong tumigil bago muling nagsalita na puno n

  • The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love    Chapter 1

    Chapter 1 “Nasan ka na ba? Alam mo ba na nalaman ko habang nakikipag-usap ako sa boss ng Montefalco Media tungkol sa partnership natin? Yung walang kwenta mong jowa, aba sige lingkis sa arista nilang si Jasmine habang papunta sila sa Revel sa BGC! Alam mo ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘yon! Biruin mo ha, ikakasal na kayo pero kung sinu-sinong artista pa rin ang nilalandi niya!” Kabababa pa lang ni Yrish ng eroplano nang tawagan siya ng bestfriend niyang si Monica, halata sa boses nito ang galit na parang sasabog na ang ulo sa inis. Sa sobang galit nito, halos napamura na ang babae. “Wala man lang hiya! Kapal ng mukha ha! Hiwalayan mo na nga iyan!” Si Benjamin ay anak ng may isa ng isang malaking real estate company sa Manila. Kilala siya sa pagiging casanova at isa sa mga pinakakilalang playboy sa business circle. Siya ang tagapagmana ng kanyang ama, kilala siya sa pagiging iresponsable at babaero. Ngunit kahit na ganun ay maraming artista at social m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status