LOGINChapter 3
Hindi pa nakakalimutan ni Yrish ang gabing iyon, sa Okada sa presidential suite. Walang ibang tao at tahimik ang buong silid. Tanging ang malamig na halimuyak ng pabango at matamis na amoy ng wine ang nakapaligid sa kanila. Dala ng kalasingan, umupo ang babae sa kandungan ni Damien. Sa ilalim ng ilaw kitang-kita niya kung gaano ka-gwapo ang lalaki. Tinitigan niya ito, sa isang tingin pa lang ay mabilis nang tumibok ang puso ni Yrish. Mainit ang kanyang hininga habang dumadampi sa leeg ng lalaki, namumula ang kanyang mukha dahil sa alak sa sistema ng katawan niya. “Cross…Damien Cross…” Nakasandal ang lalaki sa sofa, hinawakan niya ang makitid na baywang ng babae at tumingala upang pagmasdan ang namumulang mukha nito. “Lasing ka na ba?” “Hhmm…lasing na ata ako.” mahina at malambing sisyang tumango, lumitaw naman ang dalawang dimples niya nang ngumiti siya bago nagsalita, “Pahingi akong kiss.” “Kiss? Paano?” tanong ng lalaki, kahit alam na alam naman niya ang ibig sabihin nito. May mapaglarong ngiti sa kanyang labi, at bahagyang paos ang kanyang boses. Kumikinang na naman ang mata ng babae, yumuko siya at kinagat ang gilid ng labi ng lalaki na para bang hindi siyanatuwa sa sagot nito. Pagkatapos, pinalibot niya ang dalawang braso sa leeg ni Damien at idiniin ang lamabot niyang labi sa manipis nitong labi. Mabilis at mainit ang kanyang paghinga, hindi siya marunong humalik ng maayos. Kumikilos siya ng walang direksyon, halatang wala pa siyang kahit anong karanasan. Ngunit dahil sa matinding paghanga at pag ibig na kinikimkim niya, patuloy niyang kinakagat at hinahalikan ang lalaki, na para bang gusto na niya itong angkinin. Nang magdikit ang kanilang mga labi, mahina siyang bumulong. “Kiss me back.” Parang naglalambing, ngunit para na rin siyang nag-aanyaya.Lalong uminit ang kapaligiran. Puno ng malabong tensyon at kilig ang hangin sa pagitan nila. Ang malambing niyang boses ay tila nang-aakit sa puso ng lalaki. Bahagya nitong itinaas ang kilay, at naging malinaw ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Hinawakan niya nang mahigpit ang batok ni Yrish at hinila ito palapit sa kanya. Siya na ang nanguna sa halik. Mapang-angkin at mapagparaya ang kanyang mga galaw, na para bang ayaw na niyang bigyan ng pagkakataong makalayo ang babae. *** Kasalukuyan. Ang apat na salitang “hindi ko siya kilala” ay tila dumurog sa lahat ng alaala ng kanilang pinagsamahan. Nakatayo lamang si Yrish, nang tuluyan nang lumayo ang mga yabag ng lalaki saka lamang siya nangahas na lumingon. Sakto niyang nakita ang laylayan ng damit nito habang paliko ito. Ang itim na laylayan ng kanyang suot ay sabay na gumalaw sa kanyang paghakbang, na para bang dumadampi sa pusong mabilis na tumitibok ng babae. Para rin iyong telang tumatakip sa lihim at masalimuot na pag-ibig na matagal niyang tinago sa kaloob-looban ng kanyang puso. Nang tuluyan nang mawala sa kanyang paningin ang laylayan ng damit ng lalaki, unti-unti ring naglaho ang natatanging amoy ng lalaki sa hangin. Bahagyang kinagat ng babae ang mga labi niya, saka lamang nangahas na tawagin ang pangalan nito sa kanyang isipan. “Damien.” Alam ni Yrish na naroon din ang lalaki sa The Revel nang gabing iyon. Malaki ang ginastos ni Joshua upang makapasok sa loob at makahingi ng puhunan para sa kanyang negosyo. Ngunit hindi niya inakalang magkikita silang muli sa lugar na iyon. Sa business industry, may pagkakaiba sa antas ng kapangyarihan. Ganoon din sa circle ng mga mayayaman sa kanilang lugar, kahit sa isang lugar na tulad ng The Revel malinaw ang pagkakaiba ng katunayan ng bawat isa. May dalawang palapag ang The Revel, ang unang palapag ay ang ground floor na may mga couches. Sumunod naman ang VIP lounge kung saan may mga VIP table at VIP room na available. Kung talagang nais ni Joshua na makuha ang loob ni Damien, tiyak na pinag-aralan muna niya ang mga gusto at ayaw ng lalaki. Malamang ay ginawa niya ang lahat upang maimbitahan ito sa VIP room. Biglaan lang ang pagbabalik niya sa Pilipinas, ang mga Tuazon at Montefalco lamang ang nakakaalam nito. Bukod pa roon, hindi niya akalaing bibigyan-pansin pa ni Damien ang kanyang mga galaw. Tutal, noong araw na umalis siya noon. Napakasakit at napakalinaw ng mga salitang binitawan niya rito. Katulad lamang ng malamig at walang pakialam na pagsasabi nito kanina ng mga salitang , “Hindi ko siya kilala.” Diretso, malamig at walang kahit anong katiting na pag-aalinlangan. Bumalik siya sa kasalukuyan, sa wakas nakalabas na rin siya sa club. ... Maagang dumilim ang langit noong buwan ng Agosto. Dapithapon pa lamang, nang dumating siya. Ngayon, tuluyan nang nagdilim ang paligid. Pagkatapos ng tag init, nagsisimula ng nararamdaman sa hangin ang bahgyang lamig dahil mag tatag-ulan na. Manipis lamang ang suot ni Yrish, kinuskos niya ang kanyag mga braso na nakalatanad sa hangin nang maramdaman niyang nilalamig na siya. Nakatayo siya sa gilid ng kalsada at papara pa lang sana ng taxi nag may isang kotse ang dahan-dahang lumabas sa garahe ng club. Makinis ang mga linya ng sasakyan. Huminto ito mismo sa tabi niya, agad na napatingin ang babae. Isang sports car na halatang mamahalin ang pumarada sa harap niya, maging ang plaka nito ay kapansin-pansin sa sobrang ganda. Hindi na niya kailangan hulaan kung sino ang nakaupo sa likod ng sasakyan habang nakasara ang bintana. Bumaba ang driver na si Sidney, nang makita si Yrish bahagya itong natigilan bago kinuha ang maleta niya. “Miss, maaari na po kayong sumakay.” Dahil naipasok na sa sasakyan ang kanyang maleta, wala na rin ibang magagawa ang babae kundi ang sumakay. Huminga siya nang malalim bago binuksan ang p***o ng sasakyan, agad na napunta ang paningin nia sa lalaking nakaupo sa likurang upuan. Sa madilim na bahagi ng sasakyan, malamig at matalim ang mga guhit ng mukha nito. Napakalinaw ng hugis ng kanyang panga, at ang malamig na presensya niya ay tila kayang magpatindig ng balahibo ng sinumang lalapit. Naalala ng babae noong sampung taong gulang siya at unang beses niyang nakilala si Damien, takot na takot siya rito. Ngunit habang tumatagal, unti-unti niyang sinusubukan ang mga hangganan ng pasensya nito. At sa bawat pagkakataon, hinahayaan siya ng lalaki na gawin ang gusto niya. Dahil sa patuloy nitong pagpaparaya, naging palagay ang loob niya rito. At dahil din sa pag paparayang iyon, unti-unti siyang nahulog sa bitag ng kanyang sariling damdamin, hanggang sa tuluyan na siyang mabaliw sa pagmamahal dito. Ang mas masakit pa rito, dahil sa pagpaparaya ni Damien, nagkamali siyang isipin na mahal din siya nito. Hanggang sa sampalin siya ng katotohanan at tuluyan siyang matauhan. “Ano pa ba ang hinihintay mo riyan? Ano ang gusto mo bumaba pa ko para alalayan kita papasok?"Chapter 5Maluwang ang likurang bahagi ng sasakyan, magkalayo ang upi nilang dalawa. Para bang maymalalim na bangin sa pagitan nila na walang sinuman ang kayang tawirin. Tanginin ang mgailaw na pumapasok sa bintana ang namamagitan sa kanila.Gayunman, malinaw na malinaw pa rin sa alaala ni Yrish kung ilang beses niyang nahalikanang lalaki sa likuran ng sasakyang ito sa loob ng dalawang taon. Sa madilim na bahagi ngkotse, bahagyang dumilat ang lalaki. Palihim niyang pinagmasdan ang babae gamit angmalalim niyang mga mata.Mula sa maganda nitong side profile, bumaba ang kanyang tingin sa mahaba at kulot nitongbuhok na nakalaylay sa likod. Unti-unting dumulas ang kanyang mga mata pababa.Simple lamang ang suot nitong spaghetti-strap na damit. Litaw ang maninipis nitong mga brasoat binti, na lalong pinatingkad ng liwanag na tumatagos sa bintana. Makinis at maputi angkanyang balat.Dumako ang tingin ng lalaki sa makitid nitong baywang na halos magkasya sa isang kamay.Kapag napapaso
Chapter 4Malamig at walang bahid ng emosyon ang boses ng lalaki.Napabalik sa kanyang sarili ang babae dahil sa boses ng lalaki, sumakay na siya sa loob ngsasakyan. Mas pinili niyang umupo sa pinakang dulo malapit sa pinto.Ang buong sasakyan ay nababalot ng amoy ni Damien, nakadagdag iyon sa mabigat atnakapangingilabot na presensya nito.Sa gilid ng kanyang paningin, nakita niyang nakasandal ito nang komportable sa upuan,bahagyang nakatiklop ang mga binti nito. Makinis ngunit matalim naman ang hugis ng panga nglalaki, napaka gwapo ng kanyang side profile. Isang uri ng kagwapuhan na tila may sarilingkapangyarihang manakot at mang-akit ng tao.“Ganyan ka na talaga ngayon?”Bahagyang gumalaw ang manipis niyang mga labi. Walang pagbabago sa tono ng kanyangboses. Tila dumaan ang boses nito sa mismong puso ni Yrish, bahagya siyang nanginig atyumuko na lamang at hindi sumagot.Parang hindi nagustuhan ng lalaki ang kanyang naging reaksyon, tiningnan niya ito mula sagilid ng kanyang
Chapter 3Hindi pa nakakalimutan ni Yrish ang gabing iyon, sa Okada sa presidential suite. Walang ibangtao at tahimik ang buong silid. Tanging ang malamig na halimuyak ng pabango at matamis naamoy ng wine ang nakapaligid sa kanila.Dala ng kalasingan, umupo ang babae sa kandungan ni Damien. Sa ilalim ng ilaw kitang-kitaniya kung gaano ka-gwapo ang lalaki. Tinitigan niya ito, sa isang tingin pa lang ay mabilis nangtumibok ang puso ni Yrish.Mainit ang kanyang hininga habang dumadampi sa leeg ng lalaki, namumula ang kanyangmukha dahil sa alak sa sistema ng katawan niya.“Cross…Damien Cross…”Nakasandal ang lalaki sa sofa, hinawakan niya ang makitid na baywang ng babae at tumingalaupang pagmasdan ang namumulang mukha nito.“Lasing ka na ba?”“Hhmm…lasing na ata ako.” mahina at malambing sisyang tumango, lumitaw naman angdalawang dimples niya nang ngumiti siya bago nagsalita,“Pahingi akong kiss.”“Kiss? Paano?” tanong ng lalaki, kahit alam na alam naman niya ang ibig sabihin nito.
Chapter 2Hindi naging mahirap ang pagpasok ni Yrish sa The Revel, hindi niya pinansin ang gulat natingin ng mga staff at diretso lang siyang naglakad sa loob.Tiningnan niya sa kanyang cellphone ang isang message kung saang VIP table ang kanyangpupuntahan. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi, walang naging hadlang sapagpunta niya sa VIP area.Pagdating niya sa VIP area, narinig niya na ang tawanan at masayang kwentuhan mula rito.Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naman malinaw na umaabot sa labas ang mga boses.Maraming tao sa loob, nang itutulak na niya ang pinto, narinig niya ang isang usapan na tungkolsa kanya. Dahil dito, natigil ang kanyang kamay sa paghawak ng door knob.“Benjamin, hindi ba ngayon ang pagbabalik ng fiancé mo? Bakit hindi mo siya sinundo?”“Ha? Anong sinundo? Ni hindi nga nagpadala ng driver ang Benjamin natin!”“Bakit ko naman siya susunduin? Sino ba siya?” malamig at mayabang na sagot ng lalaki. Saglititong tumigil bago muling nagsalita na puno n
Chapter 1 “Nasan ka na ba? Alam mo ba na nalaman ko habang nakikipag-usap ako sa boss ng Montefalco Media tungkol sa partnership natin? Yung walang kwenta mong jowa, aba sige lingkis sa arista nilang si Jasmine habang papunta sila sa Revel sa BGC! Alam mo ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘yon! Biruin mo ha, ikakasal na kayo pero kung sinu-sinong artista pa rin ang nilalandi niya!” Kabababa pa lang ni Yrish ng eroplano nang tawagan siya ng bestfriend niyang si Monica, halata sa boses nito ang galit na parang sasabog na ang ulo sa inis. Sa sobang galit nito, halos napamura na ang babae. “Wala man lang hiya! Kapal ng mukha ha! Hiwalayan mo na nga iyan!” Si Benjamin ay anak ng may isa ng isang malaking real estate company sa Manila. Kilala siya sa pagiging casanova at isa sa mga pinakakilalang playboy sa business circle. Siya ang tagapagmana ng kanyang ama, kilala siya sa pagiging iresponsable at babaero. Ngunit kahit na ganun ay maraming artista at social m







