Mishaela's point of view Huminga ako nang malalim bago bumaba mula sa balcony. Tapos na ang drama ko sa itaas. Kung akala ni Lavena ay magmumukmok lang ako sa sulok habang nagpapakasasa siya sa pekeng titulo niya, nagkakamali siya.Pagpasok ko sa malawak na main hall, agad akong nagtungo sa cocktail bar para kumuha ng sparkling water. Nakasuot ako ngayon ng isang simpleng midnight-blue satin dress, hindi kasing-garbo ng red gown ni Lavena, pero sapat naman na para magmukha akong disente at hindi mukhang desperada sa atensyon.Pero syempre, hindi kumpleto ang gabi kung walang bubuyog na lalapit."Well, well, well... look who decided to crawl out of the shadows," sabi ng matinis na boses mula sa likuran ko.Paglingon ko, naroon na si Lavena, may hawak na naman na baso ng red wine, habang nakasunod sa kanya ang dalawang socialite friends niya na pare-parehong nakataas ang kilay. Tsk. Ang pangit talaga lagi ng dating niya.Inilapag ko nang marahan ang baso ko sa bar counter, saka tiningn
Last Updated : 2026-11-16 Read more