Share

Mistress Wins His Heart
Mistress Wins His Heart
Author: Mesarthim

Chapter 1: Gala

Author: Mesarthim
last update publish date: 2026-11-16 14:27:22

Mishaela's point of view

Nanginginig ang dulo ng mga daliri ko habang nakahawak sa strap ng clutch bag ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang lamig ng aircon dito sa loob ng Grand Imperial Ballroom, at sa bigat ng mga matang nakatitig sa akin mula pa nang tumapak ako sa red carpet.

Suot ko lang ang isang simpleng cream-colored midi dress. Sa gitna ng mga babaeng balot ng mamahaling alahas at couture gowns, nagmumukha akong ligaw na pusa na nakapasok sa palasyo ng mga leon.

"Excuse me, coming through," mahinang sabi ko habang umiiwas sa mga waiter na may bitbit na champagne flutes. Kailangan ko lang maibigay itong velvet box sa organizer ng charity auction at makaalis na bago pa lumala ang sakit ng ulo ko.

Pero bago pa ako makalapit sa main stage, isang matinis na boses ang pumunit sa mahinang tugtog ng orchestra.

"How dare you show your face here?!"

Splash.

Napasinghap ako nang bumuhos ang malamig at malagkit na red wine mula sa balikat ko pababa sa dibdib ng cream dress ko. Tumulo ito sa marmol na sahig na parang sariwang dugo.

Napatigil ang lahat at tumahimik ang buong ballroom. Sunod-sunod din ang pag-flash ng mga camera mula sa mga imbitadong media, parang mga kidlat lang na tumatama sa mukha ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Nakatayo na sa harap ko si Lavena, naka-emerald green silk gown, 'yung hawak niya na wine glass ay wala ng laman, at nangingilid na rin ang mga luha na para bang siya ang biktima sa eksenang ito.

"Lavena..." mahinang banggit ko sa pangalan niya, sinusubukan ko ring pakalmahin ang sarili kahit ramdam ko na ang panlalagkit ng basang tela sa balat ko.

"Don't say my name with your filthy mouth!" sigaw niya, sapat na para marinig hanggang sa dulong mesa ng mga VIP. Biglang nanginig ang boses niya, sabay hawak sa sariling dibdib na parang hirap na hirap siyang huminga. "I gave you money! I begged you to leave my husband alone! Hindi pa ba sapat na nilalandí mo si Malachi sa opisina niya? Pati ba naman sa charity gala ng pamilya namin, susundan mo siya?!"

Nagbulungan agad ang mga elite guests sa paligid namin.

"Siya ba 'yung kabít ni CEO Malachi?"

"Ang kapal ng mukha! Simple-simplehan pa ng suot, gold-dígger naman pala."

"Kawawa naman si Miss Lavena, she looks so stressed."

Huminga ako nang malalim. Tinitigan ko nang diretso si Lavena sa mata, wala akong bahid ng takot o pagkapahiya na ipinakita sa mga mata ko. "First of all, hindi ako pumunta rito para kay Malachi. Pangalawa, kahit kailan, hindi ako tumanggap ng kahit isang kusing mula sa'yo. Kung may naghahabol dito, Lavena, hindi ako 'yon."

Nanlaki ang mga mata niya sa inis. Akmang sasampalin na niya ako nang biglang may sumingit sa pagitan naming dalawa.

"Enough!"

Umalingawngaw ang malakas na boses ni Donya Victoria, ang ina ni Malachi, kasunod ang asawa nitong si Don Rafael. Parehong nakasuot ng mamahaling formal attire, at parehong nakatingin sa akin na parang isa akong nakakadiring peste.

"Mom! Dad!" agad na yumakap si Lavena sa braso ni Donya Victoria, humahagulgol pa ito na parang inaapi. Tsk. Bigyan ko pa 'to ng golden award, e. Magaling na masyado.

"Pinagtatabuyan ko lang naman siya. Ayaw niyang tigilan si Malachi!"

"Hush, hija. We're here," paglalambing na alo ni Donya Victoria bago ako binalingan nang may matalim na titig. Lumapit ang matanda at hinagod ng tingin ang mantsadong dress ko mula ulo hanggang paa. "Look at you. Chéap. Désperate. Akala mo ba dahil pinapansin ka ng anak ko, makakapasok ka na sa pamilyang ito?"

"Hindi ko kailangang ipagsiksikan ang sarili ko kahit kanino, Ma'am," kalmadong sagot ko, kahit kumikirot na ang dibdib ko sa bigat ng mga salita niya.

"Don't talk back to my wife!" dumagundong naman ang boses ni Don Rafael. Humakbang siya palapit at dinuduro pa ang pagmumukha ko.

"You're nothing but a shameless mistress! Isang babaeng walang pinag-aralan at walang maipagmamalaki kundi ang maghabol sa may asawa! Magkano ba ang kailangan mo para lumayas sa buhay ng anak ko? Name your price! Kahit sampung milyon, ibibigay ko sa'yo ngayon din, mawala ka lang sa paningin namin!"

Mas lalong lumakas ang tunog click ng mga camera. Nakatutok din naman kasi talaga ang lahat ng spotlight sa amin. Bawat salita ng mga magulang ni Malachi ay parang sampal na tumatama sa mukha ko sa harap ng daan-daang tao.

Pinigil ko ang panginginig ng labi ko. Gusto kong sumigaw. Gusto ko ring ilabas ang katotohanan at sampalin sila ng papel na magpapatunay kung sino ang totoong peke sa silid na ito. Pero naalala ko ang pangako ko. Not yet. Hindi pa ngayon.

Instead, dahan-dahan akong ngumiti, isang malamig at matapang na ngiti na ikinakunot ng noo ni Don Rafael.

"Keep your ten million, Sir," malinaw at matatag na sabi ko. Kung akala nila na magwawala rin ako, so pwes, nagkakamali sila. "Baka kailanganin niyo 'yan sa susunod na mga buwan. At para sa'yo, Lavena..." Tumingin ako sa basong hawak niya, saka ibinalik ang tingin sa mga mata niyang puno ng pagkukunwari. "Sa susunod na magsasaboy ka ng wine, siguraduhin mong kaya mong panindigan ang mantsang iiwan nito. Because once the truth comes out, hindi lang dress ang masisira sa'yo."

"You bitch—!" akmang susugod si Lavena, habang nakataas na ang kamay ni Donya Victoria para sampalin ako. Pero, bumukas ang malaking double doors ng ballroom.

Napatigil ang kamay ni Donya Victoria sa ere. Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa entrance.

Pumasok si Malachi. Suot ang kanyang bespoke black suit, madilim din ang aura, at nakakunot ang noo habang nakatitig sa eksena sa gitna ng bulwagan, diretso agad sa basang-basa at mantsadong damit ko. Uh, oww.

Parang biglang bumaba ang temperatura sa buong ballroom pagtapak pa lang ni Malachi sa gitna. Bawat hakbang niya ay may kasamang bigat, isang klase ng presensya na kahit ang mga bilyonaryo sa paligid ay napapayuko na lang.

"Malachi, darling!" mabilis na lumapit si Lavena, agad na kumapit sa braso ng asawa ko habang may pa kiming hikbi pang nalalaman.

"Thank God you're here! This woman—sinusundan ka na naman niya! Pinagtatabuyan ko lang siya pero binabastos niya sina Mom at Dad!"

Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Malachi. Dahan-dahang tinanggal ni Malachi ang pagkakakapit ni Lavena sa braso niya na parang may nakakadiring dumi roon, saka naglakad diretso papunta sa akin.

Nakatayo lang ako sa pwesto ko, I'm trying to be brave kahit na ang tuhod ko ay nanginginig na sa lamig ng basang wine sa katawan ko. Huwag kang titiklop, Mishaela. Sa harap nila, kailangan mong magmukhang matapang.

Huminto si Malachi sa mismong harap ko. As expected, mas dumilim talaga ang mga mata niya habang tinitingnan ang pulang mantsa sa cream dress ko, pataas sa nanlalamig kong mga balikat.

"Malachi, anak, tell this místress to leave before I call security!" utos ni Donya Victoria, nakataas pa rin ang kilay niya. Tss. Angry birds yarn? Idiniin ko na lang ang ibabang labi ko. Hindi ko alam if tatawa ba ako o maiiyak, e.

"I'll handle her," malamig at walang emosyong sagot ni Malachi.

Bago pa ako makapagsalita, hinubad niya ang kanyang mamahaling black suit jacket at marahas itong ibinalot sa balikat ko. Napasinghap naman ang mga bisita. Sunod-sunod na naman ang flash ng mga camera. Hinawakan niya ang pulso ko nang mahigpit, pero alam ko, ramdam ko sa dulo ng mga daliri niya na hindi niya ako sinasaktan. Pinoprotektahan niya lang ako sa paraang hindi mahahalata ng mga matang nakatingin sa amin.

"Malachi! Where are you taking her?! Ako ang asawa mo!" sigaw ni Lavena sa likuran namin.

Hindi lumingon si Malachi. Serves her right. Hinila niya ako palabas ng ballroom habang rinig na rinig ko ang bulungan ng mga tao.

“Grabe, kinampihan pa talaga ‘yung kabít sa harap ng asawa!”

Napapikit na lang ako nang mariin habang naglalakad kami patungo sa private elevator. Sanay na ako. Dalawang taon ko nang lunok ang mga salitang ‘yan. Pero sa tuwing naririnig ko, may kurot pa rin sa dibdib ko.

Ting.

Bumukas ang elevator diretso sa private penthouse ni Malachi. Pagkasarang-pagkasara pa lang ng metal doors, at nang masiguro niyang walang ibang tao sa paligid, nagbago ang lahat sa isang iglap.

Nawala ang malamig at nakakatakot na CEO.

"Sweetheart..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mistress Wins His Heart    Chapter 6: Mission

    Mishaela's point of view "Anong kaguluhan ito?!" Dumagundong ang matinis na boses ni Donya Victoria habang mabilis na naglalakad palapit, kasunod ang nakakunot-noong si Don Rafael. Pagkakita pa lang nila kay Lavena na mukhang basang sisiw at tadtad ng mantsa ng red wine ang mukha at dibdib, nanlaki agad ang mga mata ng matanda. "Mom! Dad!" agad na humagulgol si Lavena, sabay turo sa akin gamit ang nanginginig at malagkit niyang daliri. Tsk. Drama queen talaga ang babaeng 'to. Ano bang nakikita ng mga magulang ni Malachi at gustong-gusto nila ang bruhang 'to? "Si Mishaela! Sinadya niya akong itulak para matapon sa akin ang wine ko! Pinapahiya niya ako sa harap ng mga bisita!" "Wala kang kahihiyan!" sigaw ni Donya Victoria, sabay harang sa daraanan ko. Tiningnan niya ako nang may matinding pandidiri mula ulo hanggang paa. "Hindi ka na nakuntento sa pagsira sa pamilya namin, ngayon naman ay nananakit ka na?! Security! Palabasin niyo ang hampaslúpang babaeng 'to!" Napangisi lang ako

  • Mistress Wins His Heart    Chapter 5: Shameless

    Mishaela's point of view Huminga ako nang malalim bago bumaba mula sa balcony. Tapos na ang drama ko sa itaas. Kung akala ni Lavena ay magmumukmok lang ako sa sulok habang nagpapakasasa siya sa pekeng titulo niya, nagkakamali siya.Pagpasok ko sa malawak na main hall, agad akong nagtungo sa cocktail bar para kumuha ng sparkling water. Nakasuot ako ngayon ng isang simpleng midnight-blue satin dress, hindi kasing-garbo ng red gown ni Lavena, pero sapat naman na para magmukha akong disente at hindi mukhang desperada sa atensyon.Pero syempre, hindi kumpleto ang gabi kung walang bubuyog na lalapit."Well, well, well... look who decided to crawl out of the shadows," sabi ng matinis na boses mula sa likuran ko.Paglingon ko, naroon na si Lavena, may hawak na naman na baso ng red wine, habang nakasunod sa kanya ang dalawang socialite friends niya na pare-parehong nakataas ang kilay. Tsk. Ang pangit talaga lagi ng dating niya.Inilapag ko nang marahan ang baso ko sa bar counter, saka tiningn

  • Mistress Wins His Heart    Chapter 4: Banquet

    Mishaela's point of view Isang linggo ang lumipas, ngunit para bang ang bawat araw ay may bitbit na mabigat na bakal sa aking dibdib. Ngayong gabi ang napakalaking corporate anniversary banquet ng Ventura Group, isang mandatory, high-profile event kung saan sapilitang pinapapunta ang bawat miyembro ng pamilya at ang kani-kanilang mga asawa para magpanggap na magkaisa sa harap ng daan-daang press.Bago pa man kami humakbang palabas ng VIP lounge patungo sa nagniningning na red carpet, naramdaman ko na ang panlalamig ng aking mga kamay. Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng pangamba, dalawang pamilyar at mainit na kamay ang humawak sa magkabilang braso ko.Napalingon ako at nakatayo na roon sina Lolo Alejandro at Lola Carmen. Ang mukha ng lolo ay puno ng matinding pag-aalala, habang ang mga mata ni lola ay nangingilid ang luha."Mishaela, apo ko..." basag ang boses na tawag ni Lola Carmen habang mas hinigpitan ang pagkakahawak sa mga daliri ko. "Alam namin... alam naming napakabigat at

  • Mistress Wins His Heart    Chapter 3: Deserve

    Mishaela's point of view "Dalawang taon na tayong kasal, Mishaela," mariing panimula ni Malachi at may halong bigat pa ang boses. "Two years since we signed that marriage contract in front of Grandpa and Grandma. Legal na legal 'yun. Nakarehistro pa nga sa gobyerno. Ikaw lang ang nag-iisang Mrs. Ventura." Binaba ko ang kutsara ko at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Alam ko, Chi. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon." "Pero tignan mo ang nangyayari," mapait siyang ngumiti, bakas ang frustration sa mga mata niya. Hinahagod ko lang ng tuluyan ang kamay niya. Ganito na siya kapag nag-rarant. "Ano ba 'yang marriage certificate na ipinagmamalaki ni Lavena sa media? It's a complete fake. Gawa-gawa lang naman nina Dad at Mom para linlangin ang publiko at maikasa ang merger sa kumpanya ng pamilya ni Lavena. They forged signatures, bribed officials, lahat na lang ginawa nila para lang magmukhang siya ang legal wife." "At alam kong hindi mo sila pinapatulan dahil may mas malaki

  • Mistress Wins His Heart    Chapter 2: Penthouse

    Mishaela's point of view "Sweetheart..." Halos hindi ko na marinig ang pagtawag ni Malachi, puno rin 'to ng pag-aalala at galit na pinigilan niya kanina pa. Agad niyang binitawan ang pulso ko at maingat na hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Mainit ang mga palad niya kumpara sa nanlalamig kong mukha. "Are you okay? Nasaktan ka ba nila? Did my mom touch you?" sunod-sunod niyang tanong, habang sinusuri ng mga mata niya ang bawat pulgada ng mukha ko na parang chine-check kung may galos ako. Napabuntong-hininga ako at ngumiti ng kimi sa kanya, biglang gumaan ang pakiramdam ko. Sa wakas, makakahinga na ako nang maluwag. "I'm fine, Chi. Wine lang 'to. Hindi naman umabot 'yung sampal ng mama mo." "Damn it," mahinang mura niya, sabay pikit nang mariin at idinikit ang noo niya sa noo ko. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya, pinapakalma ang sarili. "I told you to wait for me in the car. Dapat hindi ka na bumaba mag-isa. Seeing them humiliate you like that in front of everyone... ku

  • Mistress Wins His Heart    Chapter 1: Gala

    Mishaela's point of view Nanginginig ang dulo ng mga daliri ko habang nakahawak sa strap ng clutch bag ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang lamig ng aircon dito sa loob ng Grand Imperial Ballroom, at sa bigat ng mga matang nakatitig sa akin mula pa nang tumapak ako sa red carpet. Suot ko lang ang isang simpleng cream-colored midi dress. Sa gitna ng mga babaeng balot ng mamahaling alahas at couture gowns, nagmumukha akong ligaw na pusa na nakapasok sa palasyo ng mga leon. "Excuse me, coming through," mahinang sabi ko habang umiiwas sa mga waiter na may bitbit na champagne flutes. Kailangan ko lang maibigay itong velvet box sa organizer ng charity auction at makaalis na bago pa lumala ang sakit ng ulo ko. Pero bago pa ako makalapit sa main stage, isang matinis na boses ang pumunit sa mahinang tugtog ng orchestra. "How dare you show your face here?!" Splash. Napasinghap ako nang bumuhos ang malamig at malagkit na red wine mula sa balikat ko pababa sa dibdib ng cream d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status