LOGINMishaela's point of view
"Sweetheart..." Halos hindi ko na marinig ang pagtawag ni Malachi, puno rin 'to ng pag-aalala at galit na pinigilan niya kanina pa. Agad niyang binitawan ang pulso ko at maingat na hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Mainit ang mga palad niya kumpara sa nanlalamig kong mukha. "Are you okay? Nasaktan ka ba nila? Did my mom touch you?" sunod-sunod niyang tanong, habang sinusuri ng mga mata niya ang bawat pulgada ng mukha ko na parang chine-check kung may galos ako. Napabuntong-hininga ako at ngumiti ng kimi sa kanya, biglang gumaan ang pakiramdam ko. Sa wakas, makakahinga na ako nang maluwag. "I'm fine, Chi. Wine lang 'to. Hindi naman umabot 'yung sampal ng mama mo." "Damn it," mahinang mura niya, sabay pikit nang mariin at idinikit ang noo niya sa noo ko. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya, pinapakalma ang sarili. "I told you to wait for me in the car. Dapat hindi ka na bumaba mag-isa. Seeing them humiliate you like that in front of everyone... kulang na lang basagin ko ang buong ballroom kanina." "At sirain ang plano natin?" malumanay na sabi ko, sabay haplos sa panga niyang umiigting pa rin sa inis. "Malapit na tayong matapos, Malachi. Konting tiis na lang." Marahan niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa mukha niya at hinalikan ang palad ko. "Tinitiis mo ang lahat ng 'to para sa akin. Ako ang asawa mo, Mishaela, pero hinahayaan kong tawagin ka nilang kabít. It's killing me every single day." "Hush," this time ngumiti na ako nang pagkatamis sa kanya, sinusubukan na ring pagaanin ang loob niya. Kaya mahal na mahal ko 'to, e, kahit ang sakit na. "Wala akong pakialam sa sinasabi nila. Basta alam kong sa'kin ka umuuwi gabi-gabi." Biglang lumambot ang ekspresyon sa mga mata ni Malachi. Napalitan din ng init at lambing ang galit niya kanina. "Halika nga rito. Nanlalamig ka na." Inalalayan niya ako papunta sa malawak na living room at pinaupo sa leather sofa. Lumuhod siya sa harap ko, ang kinatatakutang bilyonaryo ng buong bansa, nakaluhod ngayon sa paanan ko, at maingat na kinuha ang malinis na towel mula sa side table. Dahan-dahan niyang pinunasan ang basang wine sa may balikat at leeg ko. Sobrang ingat ng bawat dampi ng kamay niya, na parang isa akong babasaging kristal. "Ang lagkit na ng dress ko," simangot na reklamo ko habang nakatingin sa kanya. "Paborito ko pa naman 'to." "I'll buy you a hundred of these," sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa ginagawa niya. "Or better yet, ipapasara ko ang buong boutique para ikaw lang ang may suot nito." Napahagikgik ako nang mahina, ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko. Kahit dalawang taon na kaming kasal sa papel, hindi pa rin talaga kumukupas ang epekto ng lalaking 'to sa sistema ko. Paano ba naman hindi mahuhulog ang loob ko nang paulit-ulit kung ganito siya mag-alaga? Matapos niyang punasan ang balikat ko, inayos niya ang pagkakabalot ng kanyang suit jacket sa katawan ko para hindi ako lamigin. Pagkatapos ay tumayo siya nang bahagya, yumuko, at marahang idinampi ang mainit niyang labi sa noo ko. Matagal ang halik na iyon, ramdam talaga na puno ng pagmamahal, paghingi ng tawad, at pangako. "Mag-shower ka na muna," bulong niya nang humiwalay siya nang kaunti, nakatitig na ng diretso sa mga mata ko. "I'll cook your favorite soup. And Mishaela?" "Hmm?" Ngumiti siya, isang ngiting may halong pangako ng paghihiganti para sa lahat ng nanakit sa akin ngayong gabi. "Enjoy-in na muna ni Lavena ang spotlight niya ngayon. Dahil sinisigurado ko sa'yo... sa susunod na gala, siya naman ang luluhod sa harap mo." ✧✧✧ Pagkatapos kong mag-warm shower at magbihis ng malambot na oversized hoodie ni Malachi, lumabas ako ng kwarto na amoy vanilla at panatag na ulit ang pakiramdam. Naabutan ko siya sa open kitchen. Nakatupi na hanggang siko ang sleeves ng puti niyang dress shirt, wala na ang necktie, at seryosong-seryoso habang hinahalo ang mainit na mushroom soup sa kalan. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya mula sa likod. Sino ang mag-aakala na ang lalaking kinatatakutan ng buong corporate world ay marunong magluto para lang hindi ako magkasakit? Lumapit ako at marahang niyakap siya mula sa likuran, isiniksik ang mukha ko sa malapad niyang likod. Agad siyang natigilan, saka napabuntong-hininga nang may kasamang mahinang tawa. Hinawakan niya ang mga kamay kong nakapulupot sa baywang niya. "Ang bilis mo namang maligo, Sweetie. Okay na ba ang pakiramdam mo?" "Mas okay na, lalo na ngayon," bulong ko habang nakapikit. "Bango ng niluluto mo ah." Pinatay niya ang kalan at humarap sa akin, ikinulong ako sa mga bisig niya. Hinawi niya ang basang buhok na tumatakip sa mukha ko. "Come on, umupo ka na sa island counter. Ipinagtimpla na rin kita ng chamomile tea." Sumunod ako at umupo sa high stool habang inilalapag niya sa harap ko ang umuusok na bowl ng soup at tasa ng tsaa. Umupo siya sa katabing upuan, nakaharap din sa akin, habang nakapatong ang siko sa marmol na mesa. Habang humihigop ako ng mainit na sabaw, napansin kong biglang sumeryoso ulit ang mukha niya. Nakatitig siya sa wedding band na suot ko, ang simpleng platinum ring na itinago ko sa loob ng necklace ko kanina bago kami pumunta sa gala, at isinuot ko lang ulit pagpasok namin dito sa penthouse.Mishaela's point of view "Anong kaguluhan ito?!" Dumagundong ang matinis na boses ni Donya Victoria habang mabilis na naglalakad palapit, kasunod ang nakakunot-noong si Don Rafael. Pagkakita pa lang nila kay Lavena na mukhang basang sisiw at tadtad ng mantsa ng red wine ang mukha at dibdib, nanlaki agad ang mga mata ng matanda. "Mom! Dad!" agad na humagulgol si Lavena, sabay turo sa akin gamit ang nanginginig at malagkit niyang daliri. Tsk. Drama queen talaga ang babaeng 'to. Ano bang nakikita ng mga magulang ni Malachi at gustong-gusto nila ang bruhang 'to? "Si Mishaela! Sinadya niya akong itulak para matapon sa akin ang wine ko! Pinapahiya niya ako sa harap ng mga bisita!" "Wala kang kahihiyan!" sigaw ni Donya Victoria, sabay harang sa daraanan ko. Tiningnan niya ako nang may matinding pandidiri mula ulo hanggang paa. "Hindi ka na nakuntento sa pagsira sa pamilya namin, ngayon naman ay nananakit ka na?! Security! Palabasin niyo ang hampaslúpang babaeng 'to!" Napangisi lang ako
Mishaela's point of view Huminga ako nang malalim bago bumaba mula sa balcony. Tapos na ang drama ko sa itaas. Kung akala ni Lavena ay magmumukmok lang ako sa sulok habang nagpapakasasa siya sa pekeng titulo niya, nagkakamali siya.Pagpasok ko sa malawak na main hall, agad akong nagtungo sa cocktail bar para kumuha ng sparkling water. Nakasuot ako ngayon ng isang simpleng midnight-blue satin dress, hindi kasing-garbo ng red gown ni Lavena, pero sapat naman na para magmukha akong disente at hindi mukhang desperada sa atensyon.Pero syempre, hindi kumpleto ang gabi kung walang bubuyog na lalapit."Well, well, well... look who decided to crawl out of the shadows," sabi ng matinis na boses mula sa likuran ko.Paglingon ko, naroon na si Lavena, may hawak na naman na baso ng red wine, habang nakasunod sa kanya ang dalawang socialite friends niya na pare-parehong nakataas ang kilay. Tsk. Ang pangit talaga lagi ng dating niya.Inilapag ko nang marahan ang baso ko sa bar counter, saka tiningn
Mishaela's point of view Isang linggo ang lumipas, ngunit para bang ang bawat araw ay may bitbit na mabigat na bakal sa aking dibdib. Ngayong gabi ang napakalaking corporate anniversary banquet ng Ventura Group, isang mandatory, high-profile event kung saan sapilitang pinapapunta ang bawat miyembro ng pamilya at ang kani-kanilang mga asawa para magpanggap na magkaisa sa harap ng daan-daang press.Bago pa man kami humakbang palabas ng VIP lounge patungo sa nagniningning na red carpet, naramdaman ko na ang panlalamig ng aking mga kamay. Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng pangamba, dalawang pamilyar at mainit na kamay ang humawak sa magkabilang braso ko.Napalingon ako at nakatayo na roon sina Lolo Alejandro at Lola Carmen. Ang mukha ng lolo ay puno ng matinding pag-aalala, habang ang mga mata ni lola ay nangingilid ang luha."Mishaela, apo ko..." basag ang boses na tawag ni Lola Carmen habang mas hinigpitan ang pagkakahawak sa mga daliri ko. "Alam namin... alam naming napakabigat at
Mishaela's point of view "Dalawang taon na tayong kasal, Mishaela," mariing panimula ni Malachi at may halong bigat pa ang boses. "Two years since we signed that marriage contract in front of Grandpa and Grandma. Legal na legal 'yun. Nakarehistro pa nga sa gobyerno. Ikaw lang ang nag-iisang Mrs. Ventura." Binaba ko ang kutsara ko at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Alam ko, Chi. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon." "Pero tignan mo ang nangyayari," mapait siyang ngumiti, bakas ang frustration sa mga mata niya. Hinahagod ko lang ng tuluyan ang kamay niya. Ganito na siya kapag nag-rarant. "Ano ba 'yang marriage certificate na ipinagmamalaki ni Lavena sa media? It's a complete fake. Gawa-gawa lang naman nina Dad at Mom para linlangin ang publiko at maikasa ang merger sa kumpanya ng pamilya ni Lavena. They forged signatures, bribed officials, lahat na lang ginawa nila para lang magmukhang siya ang legal wife." "At alam kong hindi mo sila pinapatulan dahil may mas malaki
Mishaela's point of view "Sweetheart..." Halos hindi ko na marinig ang pagtawag ni Malachi, puno rin 'to ng pag-aalala at galit na pinigilan niya kanina pa. Agad niyang binitawan ang pulso ko at maingat na hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Mainit ang mga palad niya kumpara sa nanlalamig kong mukha. "Are you okay? Nasaktan ka ba nila? Did my mom touch you?" sunod-sunod niyang tanong, habang sinusuri ng mga mata niya ang bawat pulgada ng mukha ko na parang chine-check kung may galos ako. Napabuntong-hininga ako at ngumiti ng kimi sa kanya, biglang gumaan ang pakiramdam ko. Sa wakas, makakahinga na ako nang maluwag. "I'm fine, Chi. Wine lang 'to. Hindi naman umabot 'yung sampal ng mama mo." "Damn it," mahinang mura niya, sabay pikit nang mariin at idinikit ang noo niya sa noo ko. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya, pinapakalma ang sarili. "I told you to wait for me in the car. Dapat hindi ka na bumaba mag-isa. Seeing them humiliate you like that in front of everyone... ku
Mishaela's point of view Nanginginig ang dulo ng mga daliri ko habang nakahawak sa strap ng clutch bag ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang lamig ng aircon dito sa loob ng Grand Imperial Ballroom, at sa bigat ng mga matang nakatitig sa akin mula pa nang tumapak ako sa red carpet. Suot ko lang ang isang simpleng cream-colored midi dress. Sa gitna ng mga babaeng balot ng mamahaling alahas at couture gowns, nagmumukha akong ligaw na pusa na nakapasok sa palasyo ng mga leon. "Excuse me, coming through," mahinang sabi ko habang umiiwas sa mga waiter na may bitbit na champagne flutes. Kailangan ko lang maibigay itong velvet box sa organizer ng charity auction at makaalis na bago pa lumala ang sakit ng ulo ko. Pero bago pa ako makalapit sa main stage, isang matinis na boses ang pumunit sa mahinang tugtog ng orchestra. "How dare you show your face here?!" Splash. Napasinghap ako nang bumuhos ang malamig at malagkit na red wine mula sa balikat ko pababa sa dibdib ng cream d







